Jenine Desiderio dismayed by daughter Janella Salvador siding with their erring driver

IMAGE @j9desire / @superjanella on Instagram

Jenine Desiderio (left) took to Facebook to express her dismay over her daughter Janella Salvador (right) who chose to side with her erring driver who was caught lying and stealing. 


Ibinahagi ni Jenine Desiderio ang pagkadismaya sa kanyang anak na mas piniling paniwalaan ang kanilang driver na nangupit kaysa sa kanya.

Hindi man niya ito direktang pinangalanan sa kanyang public Facebook post noong September 9, pinaniniwalaang tinutukoy niya rito ang kanyang anak na si Janella Salvador, lalo pa't binanggit ni Jenine sa comments section ang salitang "daughter," at sinagot din niya ang isang comment tungkol kay "Jea," na siyang palayaw ni Janella.

Sabi ni Jenine sa kanyang Facebook post, "Eh yung nahuli mo na on 3 occasions yung driver ng anak mo (with witness & evidence) na nangugupit at nagsisinungaling tapos mas pinili nyang paniwalaan yung driver."

Sabi naman ng isang kaibigan ni Jenine sa comments section, "Yari kay Jea"

Reply naman ni Jenine sa kanyang kaibigan, "Kinampihan nga eh"

 IMAGE Facebook account of Jenine Desiderio

Tanong naman sa comments section ng isa pa niyang kaibigan, "sino ang namili paniwalaan ang driver?"

Sagot dito ni Jenine, "My daughter chose to believe the driver over me"

 IMAGE Facebook account of Jenine Desiderio

Ibinahagi din ng singer-actress sa comments section ang iba pang ginawa ng kanilang driver.

Kuwento niya, "After all that he’s done, hindi sya kawalan. He cannot be trusted.

"Nambitin nga sya eh 2x! He was supposed to pick her up from the airport.

"After telling him off, nawala na lang basta. I had to pick her up on the last minute even if i had other things to do.

"Then, despite everything, she begged him back, after he lied about me to her...?"

 IMAGE Facebook account of Jenine Desiderio

Sa ngayon ay wala pang reaksyon si Janella tungkol sa pangyayari, subalit nag-iwan na ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya tungkol dito.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na may matagal nang hindi pagkakaunawaan sina Jenine at Janella.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang beses na ring nai-ulat ang mga naging hinaing ni Jenine sa social media tungkol sa kanyang anak.

Sa mga pagkakataon namang nai-interview si Janella tungkol sa di pagkakaunawaan nilang mag-ina ay pinipili nitong hindi magsalita, bagamat inamin niya noong September 2017 na may alitan sila.

Noong May 2018 naman, sa kabila ng kanilang di pagkakaunawaan ay iprinomote pa rin ni Jenine ang pelikula ni Janella na So Connected sa social media.

Nananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ni Jenine, Janella, at sinumang nais maghayag ng kanilang panig hinggil sa isyung ito.


Stories We Are Tracking

Jenine unintentionally follows Elmo on Instagram
Jenine unintentionally follows Elmo on Instagram
Jenine clarifies rift with Janella not about parenting style
Jenine clarifies rift with Janella not about parenting style
Janella keeps mum about
Janella keeps mum about "gatecrasher" post of mom Jenine
Janella Salvador admits rift with mom Jenine Desiderio
Janella Salvador admits rift with mom Jenine Desiderio


ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN