Jasmine Curtis-Smith asks netizens to be more discerning with usage of term "anorexic"

IMAGE Noel Orsal

Jasmine Curtis-Smith asks netizens to be more discerning with the usage of the term "anorexic": "That's a bit harsh. For me, I personally know friends na pinagdaanan yun, so sana mag-ingat yung mga tao bago magsalita."


Laging victim ng body-shaming sa social media si Jasmine Curtis-Smith at marami pa rin ang tinatawag siyang anorexic.

Nag-post sa Instagram si Jasmine ng mga photos niya noong nagbakasyon siya sa Bali, Indonesia noong nakaraang September 8.

Nagtataka lang ang aktres kung bakit patuloy pa rin ang pagba-body shame sa kanya.

Wala naman daw siyang eating disorder at hindi naman daw siya sobrang payat.

Diin ng aktres, sana raw ay maging sensitive ang ilang netizens sa paggamit sa salitang “anorexic.”

Ayon sa Wikipedia, ang anorexia nervosa, "often referred to simply as anorexia, is an eating disorder characterized by low weight, fear of gaining weight, and a strong desire to be thin, resulting in food restriction.”

"That's a bit harsh. For me, I personally know friends na pinagdaanan yun, so sana mag-ingat yung mga tao bago magsalita," pakiusap ni Jasmine sa kanyang interview sa GMA NewsTV news program na Balitanghali noong nakaraang September 14.

Pero nagpasalamat naman si Jasmine sa ibang netizens na maganda ang mga sinabi tungkol sa kanyang katawan.

"Thank you for everyone that likes the photo and for the people that appreciate my body now. It helps a lot if we can just uplift each other talaga.

“Di ko naman inaasam na maging viral, maging sikat, maging ganyan, happy lang ako na may trabaho ako."

Mapapanood si Jasmine sa upcoming GMA teleserye na Pamilya Roces.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN