Moira dela Torre bashed for anti-Marcos tweet: "I performed for the people of Ilocos and NOT for Marcos."

IMAGE Courtesy: Moira dela Torre on Facebook / Facebook

Moira dela Torre says she was misinformed and told it was to be called I-Millenial Fest "to keep us from not accepting the event." The Ilocos Norte Tourism office denied this, said, "Nobody tricked you Moira Dela Torre. Ask your agent and your manager about it and please, don't blame the 'producers.'"
 


May ilang netizens na taga-Ilocos Norte ang galit na galit sa singer na si Moira dela Torre dahil sa anti-Marcos tweet nito noong Sabado, September 15, ilang araw pagkatapos ng kanyang performance sa Marcos Fest.

Ang Marcos Fest ay ang selebrasyon ng mga taga-Ilocos Norte para sa ika-101 kaarawan ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong September 11.

Kabilang sa selebrasyon ay ang pa-free concert ng probinsiya kunsaan tampok ang Kapamilya singer. 

Marcos Fest poster featuring Moira dela Torre.
 IMAGE Courtesy: Facebook

Ngunit ayon kay Moira, hindi niya alam na para sa dating Pangulo ang kanyang free concert doon.

Sa kanyang sagot sa tanong ng netizen kung alam ba niyang magpi-perform siya para sa namayapang diktador, sinabi ng singer na ang text na natanggap niya mula sa kanyang road manager ay para sa Ilocano Millennial Night at hindi para sa mga Marcos.

Ayon sa netizen, "Did you know it was a music fest run by the Marcoses to commemorate his 101st?"

Tugon ni Moira, "No, I didn't. From the earlier reminders til before we got there, they addressed it as the Ilocano Millenial Night.

"Not once was his name brought up. So let me be clear about this: I performed for the people of Ilocos and NOT for Marcos."

Sagot ng nasabing netizen sa singer, "You need to fire your manager."

Pero para sa Kapamilya singer, hindi ang kanyang manager ang dapat managot kundi ang producer na hindi raw sila sinabihang para ito sa pamilya Marcos na maaqri raw sana nilang tanggihan.

Aniya, "It was the producer who failed to give us all the information. I think he purposely left that out to keep us from not accepting the event.... which makes me even angrier."

Ayon naman sa isa pang netizen, "I think Moira and I are on the same faith. Usually, we say this to emphasize God's works. But categorically, it should be, 'God allowed it to happen.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas malala ang pagkanta niya sa Marcos Event.

"However, ano kaya ang masasabi ni @moirarachelle4 two years after that tweet? Dapat hindi mo dinelete ate."

Ang tinutukoy ng netizen ay ang tweet ni Moira noong June 9, 2016 ukol kay Pangulong Rodrigo Duterte. 

Narito ang nilalaman ng deleted tweet: "while I do believe President Duterte can still improve his speeches, I also believe that God did not make him our leader by accident."

Tugon ni Moira sa netizen, "It's been two years. I've seen more things, I've learned more. I deleted it because that came from a time when I didn't know any better.

"This Marcos Fest was supposed to be called I-Millenial Fest. I AM NOT A MARCOS APOLOGETIC. Never will I be."

"NOBODY TRICKED MOIRA…"

Inalmahan naman kaagad ito ng Ilocos Norte Tourism office sa pamamagitan ng head nitong si Aian Raquel.

Sa kanyang Facebook post kahapon ng umaga, September 16, sinabi niyang walang nanloko sa kampo ni Moira upang mag-perform sa Marcos Fest.

Aniya, "Nobody tricked you Moira Dela Torre. You knew that the event was called 'Marcos Fest,' at the very least posters were up even before you flew to Laoag.

"Don't make it seem like we lied to get you to perform. Ask your agent and your manager about it and please, don't blame the 'producers.'

"Thank you for bringing your music to Ilocos and we were really appreciative of you even if you were late for 20 minutes and with a bad, sickly voice. You were supposed to perform @ 10pm. We all had fun, Moira.

"But now that you are complaining about performing at an event where you're requirements and demands were given, including your fee, bakit parang nambabastos ka?"

Ayon naman sa isang media personality sa Ilocos, nasaksihan daw niya ang mga “kaartehan” ng singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng news anchor na si Bernard Ver ng DWCI News FM, "Miss Moira Dela Torre, alam mo ang pangit ng ugali mo.

"Halatang hilaw at bastos. Bago ang concert halos trending yung flyers online tapos pagdating mo dito ang dami mong keme.

"May pa allergic ek ek kapa sa hotel accomodation mo, kesho allergic sa wood, dust and pollution.

"Imposibleng hindi mo alam na 'Marcos Fest' ang pupuntahan mo? Alam mo. Nagmamaang-maangan ka. Sa lugar at ang kasaysayan, wala kang alam?

"Wait, dami ngang balita din sayo sa attitude mo sa Ilocos Sur eh. [Kay Gov. Ryan nalang yun].

"I was there during the concert. Hinintay ka namin ng matagal. Wala kang magandang boses kasi namamaus ka. 60% ng kanta mo sa audience [pasa ang microphone] pinagawa.

"Limang kanta, para sa isang singer na iniidolo ng karamihan (baka hindi naman lahat). Humirit si Gov. ng isang kanta pero hindi mo manlang pinagbigyan.

"I love your songs, but I don't like your attitude. Tinuring ka ng maayos ng mga kababayan ko. Ngayon naman, umayos ka.

"Bagyo nga hinarap namin, ikaw pa? #Moiratic #Moirattitude #Muntanga."

MORE TWEETS FROM NETIZENS

Sa iba pang tweets, ipinakita naman ng ilan na bumeso pa si Moira sa gobernador ng Ilocos Norte na si Imee Marcos.

Narito ang iba pang tweets ng netizens:

Wala pang bagong pahayag ang "Tagpuan" singer tungkol dito.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN