Dingdong Dantes ends speculations about possible Senate run: "Hindi po ako tatakbong Senador."

IMAGE Noel Orsal

Liberal Party (LP) floats Dingdong Dantes as one of their possible senatoriables in 2019 along with Agot Isidro, Leah Navarro, and Jim Paredes. 


Tinuldukan na ng Kapuso actor na si Dingdong Dantes ang balitang pagtakbo niya bilang senador sa 2019 mid-term elections.

Ayon sa 38-year-old actor, hindi siya tatakbo bilang senador.

Sinabi ito ni Dingdong sa kanyang komento sa Facebook post ng comedian-radio personality na si Ogie Diaz ngayong Lunes, September 17.

Sa Facebook status ni Ogie na "Mama OGS Answers," sinasagot niya ang mga katanungan ng netizens tungkol sa maiinit na isyu sa bansa.

Isa sa mga katanungan ay ito: "Si Dingdong Dantes, tatakbong Senador, okay ba sa 'yo, Mama Ogs?"

Tugon dito ni Ogie: "Oo naman. Sobra. Mas disente kesa sa Pepederalismo."

Sa comments thread, tinag ng comedian-talent manager ang Kapuso actor kung saan sinabi ni Ogie na, "Will support Jose Sixto Gonzalez Dantes III for senator!"

Kaagad naman itong sinagot ni Dingdong.

Sabi ng aktor, "Salamat sa tiwala, Ogie. Pero hindi po ako tatakbong Senador."

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Marian Rivera na ipapaubaya niya sa kanyang mister na si Dingdong kung anuman ang plano nito pagdating sa pulitika.

Naglabas din ng listahan ang Liberal Party (LP) ng mga pangalan ng posibleng maging bahagi ng kanilang senate line-up sa 2019, at kasama nga rito si Dingdong.

Bukod sa kanya, kabilang din sina Agot Isidro, Leah Navarro, at Jim Paredes sa mga pinagpipilian ng LP na maging kandidato nila sa susunod na taon.  


Stories We Are Tracking

Marian deflects questions about Dingdong's political plans
Marian deflects questions about Dingdong's political plans
Dingdong, Agot, among possible LP senatoriables in 2019
Dingdong, Agot, among possible LP senatoriables in 2019
Marian Rivera hints at Dingdong Dantes's political plans
Marian Rivera hints at Dingdong Dantes's political plans


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN