Donny Pangilinan, Kisses Delavin admit to feeling awkward when they first worked together

IMAGE James Patrick Anarcon

Donny Pangilinan on loveteam partner Kisses Delavin: "I'm really happy talaga to have Kisses as my friend. Someone that I can talk to, someone that I can work with, and share this blessing."


Aminado sina Donny Pangilinan at Kisses Delavin na nagkailangan sila noong una, ngunit unti-unti itong nawala dahil sa halos araw-araw nilang pagsasama sa taping ng ABS-CBN daytime series na Playhouse. 

Pahayg ni Donny, "I would say we're much more comfortable.

"Ilang? Siyempre, nawala through seeing each other almost every day.

"As we got to know each other more, sa mga workshops na ginagawa namin, sa mga scenes na ginagawa namin and just spending time with each other, that really helps."

Ayon naman kay Kisses, "Ako siguro, mawawala ang ilang mo pag nakilala mo na yung tao.

"Dati hindi kami magkakilala, ngayon medyo kilala na, pero siyempre hindi lahat.

"Parang feeling ko, kilala ko na, kasi parati kaming magkasama.

"I am happy with what I discovered sa kanya."

Unang nagsama sina Donny at Kisses sa pelikulang Walwal, at ngayon ay muling napapanood ang tambalang DonKiss sa Playhouse, na pinagbibidahan nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo.

Hiwalay na na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sina Donny at Kisses sa presscon ng Playhouse na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN noong September 12.

Dito ay natanong ang dalawa kung ano ang nadiskubre nila sa isa't isa.

Paglalarawan ni Donny kay Kisses, "Family oriented, very down to earth.

"Kahit sino naman kakakusapin ni Kisses even on set, lahat talaga.

"She's a joy to be with and yung hardworking aspect. Sobrang hardworking siya."

Ayon naman kay Kisses, "Na-discover ko na mabuting tao si Donny and then magaling siyang mag-host. Nice siya."

JUST FRIENDS?

Sa kabila ng closeness na namamagitan sa pagitan sa magkapareha, nilinaw ni Kisses na magkaibigan lang sila ni Donny, kaya hindi pa niya kayang sagutin kung boyfriend material ba ang ka-love team.

Sabi ni Kisses, "Actually, friendship ang mayroon kami.

"Siguro pag 25 na ako, dun ko masasabi kung boyfriend material siya. I'm 19 now."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin naman si Donny kung willing kaya siyang maghintay sa aktres, sumagot ito ng, "Sabi ko kanina, pag tama ang gagawin mo, willing to wait ka."

Dagdag niya, "I'm really happy talaga to have Kisses as my friend.

"Someone that I can talk to, someone that I can work with, and share this blessing."

Kapwa naman masaya ang bagong love team sa bago nilang proyekto.

Ani Donny, "Siyempre gusto talaga namin mapakita sa fans kung ano ang ginagawa namin these past few months.

"Last year pa, si Kisses taped for this and ako this year.

"Ang tagal na nilang inaabangan ito and we can't just wait to show them kung ano ang mangyayari dito sa Playhouse.

"Sobrang ganda ng cast, sobrang ganda ng story."

Pahayag naman ni Kisses, "I'm very thankful, this is my first teleserye and I waited for a long time for this.

"I'm so excited thay we're finally gonna air. Can't wait to watch it with my family."

Ibinahagi rin ng onscreen partners ang payo sa kanila ng kanilang mga magulang.

Si Donny ay anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan, ngunit ngayon ay unti-unti na ring gumagawa ng sarili niyang pangalan sa showbiz.

Ayon sa binata, "Always keep your feet on the ground.

"Never stop learning, always find the way to learn from everyone.

"Always give the glory back to God."

Pahayag naman ni Kisses, "Ako, yung advice ng parents ko... hindi naman sila showbiz.

"Ang maa-advice lang nila is yung personal values. 

"Laging humble, laging ibibigay ang lahat ng pinagpapaguran mo for God, offer to Him and then everything will be according on His plan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN