
ABS-CBN actress Yassi Pressman recounts fangirling moment with Eat Bulaga! host Maine Mendoza.
Inamin ni Yassi Pressman na naging fan siya noon ni Maine Mendoza.
Sa press conference ng upcoming movie na Para sa Broken Hearted ng Viva Films at Sari Sari Films, na ginanap sa Le Reve Events Place, Quezon City, nitong Martes, September 18, kinunan ng reaksiyon si Yassi sa sinabi ni Maine na willing siyang mag-guest sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Si Yassi ang leading lady ni Coco Martin sa long-running prime-time series ng ABS-CBN.
Sabi ng Fil-Brit actress, “Nakita ko nga po yun. Na-excite po ako na makasama rin siya.
"Ang cute nga, nakita ko yung pictures, e."
Ang tinutukoy ni Yassi ay ang mga larawan nina Maine at Coco na kuha sa ginagawa nilang pelikula, ang Metro Manila Film Festival 2018 entry na Jack Em Poy: The Puliscredibles.
Patuloy ng Kapamilya actress, “Excited po ako na makasama kahit sino.
"Hindi ko po alam kung ipinakita na yung pinakabago naming characters, pero meron na naman po."
Nagkita na ba sila ni Maine?
Tugon ni Yassi, “Opo, sa Eat Bulaga! po dati. Pero hindi po kami masyadong nakapag-usap.
“Kasi fan din po niya ako dati, as in… so parang lumapit po ako sa kanya.
"'Tapos kaibigan ko rin po si Alden [Richards].
"Sabi ko, ‘Alden, sabihin mo [kay Maine] pa-picture ako.’
"'Tapos nung nakita ko na, nahiya ako, so hindi ako nakapagpa-picture."
Si Alden ang kalahati ng phenomenal love team na AlDub.
Ikatutuwa raw ni Yassi sakaling matuloy ang paggi-guest ni Maine sa Ang Probinsyano.
“Oo naman. Siyempre naman lahat naman ng ginagawa ni Coco, happy ako kasi lagi siyang merong bagong gagawin.
“Kahit sa Panday [2017], may Probinsyano pa rin po noon.
"So, exciting kasi dinadala niya ang pamilya namin sa Probinsyano [sa kanyang ibang projects].
“Ang dami niyang isinasama sa mga blessings nun.”
Stories We Are Tracking
LESSONS FROM BEING BROKEN HEARTED
Inusisa rin si Yassi sa presscon kung ano ang mahalagang lesson na natutunan niya sa pagiging broken-hearted.
Sagot niya, “Siguro po, okay lang po na maging hindi okay.
“Siguro po, like, lahat tayo, meron tayong work or school, or kung anumang kailangan nating ituloy sa buhay natin.
"Na kailangan kunwari wala lang, para maipakita sa lahat ng tao na okay ka.
“But it’s okay to cry.
“Mas mabuti yung maramdaman mo yung pain para maalala mo na buhay ka.
"Mas masarap masaktan para ma-appreciate mo lalo ulit kung paano maging masaya.
“And marami ka rin namang mapupulot sa mga taong sinaktan ka, e.”

Ang Para sa Broken Hearted ay pinagbibidahan din nina Louise delos Reyes, Sam Concepcion, Shy Carlos, at Marco Gumabao; sa ilalim ng direksiyon ni Digo Ricio.
Ipalalabas ito sa mga sinehan sa October 3.