Sam Concepcion confirms split with Kiana Valenciano

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Sam Concepcion clarifies no third party involved in breakup with Kiana Valenciano. Asked about details, the actor said there's no one specific reason for the split.


“I’m good, happy with work.”

Ito ang nakangiting sagot ni Sam Concepcion nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang estado ng puso niya ngayon.

Natawa ito nang ibalik namin ang sagot niya kung bakit sa trabaho lang siya masaya ngayon.

Dito na namin direktang tinanong si Sam sa napabalitang paghihiwalay nila ng girlfriend na si Kiana Valenciano.

“Well, sorry, hindi ko pa alam kung paano sagutin ang question,” ang una niyang sagot.

Pero kalaunan ay umamin na rin ang singer-actor sa totoong estado ng relasyon nila.

“Ah, no, not at the moment,” sabi ni Sam.

Nakausap ng PEP.ph si Sam sa press conference ng pelikulang Para Sa Broken Hearted, na ginanap sa Le Reve Pool and Events Place, Quezon City, ngayong Martes, September 18.

Ayaw namang sabihin ni Sam kung kailan sila nag-break ni Kiana.

“Well, ayoko nang bigyan ng timeline,” aniya.

Kumusta silang dalawa ngayon, nagkakausap pa rin sila?

Sagot ni Sam, “Well, yeah, meron naman mga times na nagkakausap. We still have the same friends.”

MOVING ON

Mutual ba ang naging desisyon nilang mag-break?

“Hindi ko alam kung paano sasagutin yung question na yun kasi parang I’m looking for answer myself.

“Hindi ko mabibigyan ng truth, hindi ko pa alam, e.

“I’m taking it one day at a time.”

Nasa proseso pa lang daw siya ng pagmu-move on sa nangyaring breakup nila.

Paano siya mag-move on?

Sagot ni Sam, “Yun nga, parang marami pa akong kailangang gawin.

"So, ini-immerse ko ang sarili ko with things that help me grow."

Nasa healing, moving-on process pa lang talaga siya?

“Yes, oo naman… difficult, pero we just carry on.”

Hindi na idinetalye ni Sam kung gaano ang itinagal ng relasyon nila ni Kiana.Pero sabi nga niya, “matagal din.”

NO THIRD PARTY

Nilinaw naman ni Sam na walang “third party” sa breakup nila ni Kiana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad pa niya,  “Maraming factors, maraming factors, e.

“Parang yung ganyang bagay, hindi mo mabibigyan ng specific na—eto kasi ang rason kung bakit hindi nag-work out.

“Pero ang alam ko lang, things will work out, hopefully for the best.”

May posibilidad bang magkabalikan sila?

Sagot ni Sam, “Hindi ko alam, hindi ko alam… mahirap…

"Well, I don’t want to say anything that will ruin or jeopardize or speak about something I can’t speak about.”

Naging malapit din si Sam sa pamilya Valenciano, sa mga magulang ni Kiana na sina Gary at Angeli, at mga kapatid nitong sina Gabriel at Paolo Valenciano.

Kumusta siya ngayon sa mga ito?

“Well, I hope na okay naman. Parang wala namang masamang feels towards anything.

“They’re a beautiful family, very good people and mga kaibigan ko rin.

"I think yun ang hindi magbabago."

Natawa na lang si Sam dahil ang tema ng pelikula niya ngayon sa VIVA Films na ipalalabas na sa mga sinehan sa October 3 ay pagiging broken-hearted.

Na sa kanilang limang bida kasama sina Marco Gumabao, Shy Carlos, Louise delos Reyes, at Yassi Pressman, sa kanya pala patungkol ang Para sa Broken Hearted.

“Oo nga, e, life imitating art.”

Alam daw ng co-stars ni Sam ang pinagdadaanan niya ngayon at supportive naman daw ang mga ito sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN