Sunshine Cruz ecstatic over end of marriage with Cesar Montano

IMAGE Arniel Serato

Sunshine Cruz on forgiving ex-husband Cesar Montano: "Hindi, kasi up to now it's very difficult for me to do that. Though, I am a person na napakadaling magpapatawad. I just hope na pagdating sa mga bata, maging maayos lang ang lahat."


Nasa cloud nine pa rin si Sunshine Cruz nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kaka-grant lamang na annulment ng kasal nila ng ex-husband na si Cesar Montano nitong Martes, September 18.

Nalaman ng PEP.ph ang tungkol sa pag-grant ng korte ng kanyang petition for annulment habang nasa biyahe ang team patungo sa kanyang bahay sa Parañaque para sa isang exclusive feature.

Ano na ang plano niya ngayong annulled na ang marriage niya?

Abot-tengang nakangiting sagot ng Kapag Nahati Ang Puso actress, "Wala. Tuluy-tuloy ang buhay, trabaho.

"Siyempre, ang priority ko pa rin mga anak.

"Gusto ko lang ito talaga mangyari, and I think we both deserve this kind of freedom from each other kasi, e, ginawa naman namin ang lahat pero hindi nag-work.

"Medyo mahirap ang proseso pero, finally, we are free.

"But then again, katulad nga ng sinabi ko kanina, I will always be thankful na binigyan niya ako ng tatlong maganda, mababait, at sweet na mga anak."

Tatlo ang mga anak nina Sunshine at Cesar: sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline, at Angel Franchesca.

Sunshine Cruz with daughters Angelina Isabelle, Samantha Angeline, and Angel Franchesca.
 IMAGE Arniel Serato

Ayon sa 41-year-old actress, matagal niya itong ipinagdasal at sa wakas ay natupad na ang kanyang pangarap.

"Oo, araw-araw. Ipinagdadasal ko ito and ang sarap-sarap ng feeling talaga.

"Kanina talaga, pagkabasa ko kasi... kasi yesterday [September 17], I asked my lawyer kasi nga sinabi nga na waiting for decision na.

"I learned about that a few weeks ago. So, hinintay ko, hinintay ko, hintay-hintay.

"Hanggang sa yesterday, I asked my lawyer, 'Kailan po ba malalaman yung decision?'

"And my lawyer said, 'We have to wait about two to three more months siguro.'

"So kanina, paggising ko, medyo tinanghali na ako ng gising kasi galing sa trabaho, nag-text na sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That was 1:14 p.m."

Dito na nga nalaman ni Sunshine ang magandang balita tungkol sa apat-na-taong kasong dininig ng Quezon City Regional Trial Court.


Stories We Are Tracking

Court grants annulment of Sunshine Cruz, Cesar Montano
Court grants annulment of Sunshine Cruz, Cesar Montano

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph ang aktres sa kanyang bahay sa BF Homes, Parañaque, ilang oras pagkatapos niyang malaman na granted na ang kanyang petition for annulment of marriage.

FORGIVING CESAR

Ano ang reaksiyon niya pagkabasa ng magandang balita?

Tugon ni Sunshine, "Sumigaw ako na pati tumahol yung mga aso dito, narinig talaga nila yung sigaw ko na mababang-mahaba, na akala nila anong nangyari sa akin.

"'Tapos biglang nagtatalon na ako na sabi ko, 'Annulled na ako! Annulled na ako!'

"Siyempre tatlong tao ang tinext ko kaagad—mommy ko, mga anak ko, at si Macky [Mathay III, her boyfriend].

"And then sumunod na yung mga ibang friends, yung mga importante ding tao sa buhay ko."

Marami ring netizens ang nakisimpatiya sa kasiyahang naramdaman ng aktres.

Mensahe niya sa kanila, "Thank you sa inyo, God is good talaga.

"Sabi ko nga, parang siyempre andun yung feeling na, 'Ang tagal naman. Bakit parang hindi pa dumarating?'

"Pero talagang ano, God always has a perfect time for everything. Dapat lang maging patient talaga tayo.

"So ngayon, salamat, thank you Lord talaga."

Napatawad na ba niya si Cesar?

Seryoso ngunit natatawang sagot ni Sunshine, "Hindi, kasi up to now it's very difficult for me to do that.

"Though, I am a person na napakadaling magpapatawad.

"I just hope na pagdating sa mga bata, maging maayos lang ang lahat."

Diin niya, "It's not just about money, e.

"Like, sa quote na nilagay ko dun [Facebook post], hindi lang money kundi sana dugo’t laman niya iyan, kahit papaano kapag nagri-reach out yung mga bata, kapag nakikipag-communicate sa kanya, sana naman kahit konti mag-effort ka rin.

"Siguro naman kahit si [former U.S. President Barack] Obama o si [current U.S.] President [Donald] Trump, may panahon sa mga anak niya, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, yun lang naman yung sa akin.

"We're not asking for too much but for you to be just a father kahit minsan lang sa mga anak mo, kasi anak mo pa rin sila."


Stories We Are Tracking

Court grants annulment of Sunshine Cruz, Cesar Montano
Court grants annulment of Sunshine Cruz, Cesar Montano


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN