Is Sunshine Cruz ready to marry Macky Mathay now that she's officially single?

IMAGE Arniel Serato / Courtesy: @mackymathay on Instagram

Sunshine Cruz explains promise ring given by boyfriend Macky Mathay: "Like what I said, hindi engagement ring. Ang promise naman, it's just a promise that he will be loyal, or he will take care of me. Promise."


Hindi lang isa kundi dalawa ang nagpasaya sa araw ng aktres na si Sunshine Cruz kahapon, September 18.

Una, ang pag-grant ng korte ng annulment of marriage nila ng ex-husband na si Cesar Montano.

Pangalawa, ang second anniversary nila ng kasalukuyang nobyo na si Macky Mathay III.

Masaya rin daw si Macky sa naging desisyon ng korte sa annulment nina Sunshine at Cesar.

Ayon sa Kapuso actress, “Happy siya, happy siya, pero kanina hindi niya ako makausap nang matino. Kasi nga sobrang excited ako.

“Sobrang nag-palpitate na yung… actually, ngayon... anong oras na [7 p.m.] hindi pa ako kumakain.

“Kasi nagkape lang ako, talagang wala akong appetite, pero okay lang kakain naman kami ngayon.”

Habang kakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine sa sala ng kanyang bahay sa BF Homes Parañque, papunta na si Macky upang sunduin ang aktres para sa kanilang anniversary dinner.

Sabi pa ni Sunshine tungkol sa pagkaka-grant ng kanyang annulment petition, “Pero yung sobrang happiness na tagal na tagal ko na ring hindi naramdaman yung ganitong kasaya.

“Sobra talaga, kaya nga kanina when I called my mom, I was crying.

"And she was also crying kasi alam rin niya ang hirap ko."

Apat na taon ang lumipas bago tuluyang i-grant ng korte ang annulment papers nina Sunshine at Cesar kahapon, September 18.


Stories We Are Tracking

Court grants annulment of Sunshine Cruz, Cesar Montano
Court grants annulment of Sunshine Cruz, Cesar Montano
Sunshine Cruz ecstatic over annulment of marriage
Sunshine Cruz ecstatic over annulment of marriage

PROMISE RING

Nitong nakaraang linggo ay kumalat naman ang haka-hakang engaged na diumano sina Sunshine at Macky dahil sa post ng huli sa Instagram kung saan kitang-kita ang singsing na suot ng aktres.

Pero paglilinaw ni Sunshine, promise ring lang ang kanyang suot bilang tanda ng pagmamahal ni Macky sa kanya.

At kahit annulled na si Sunshine ay hindi pa sila maaaring ma-engage dahil inaasikaso pa ni Macky ang kanya namang annulment sa una nitong asawa.

Sabi ng Kapag Nahati Ang Puso actress, "Ay, naku, matagal pa iyan, matagal pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Like what I said, hindi engagement ring.

"Ang promise naman, it’s just a promise that he will be loyal, or he will take care of me. Promise.

"Pero talagang hindi ako engaged.

"And if ever na ma-engage ako, siyempre isa yung sa pinakamaligayang oras sa buhay ng isang tao. Of course, hindi ko itatago.

"Siya po ngayon, inaasikaso niya ang kanyang annulment."

Ngunit kapag dumating daw ang araw na ma-annul na rin ang kasal ni Macky sa unang asawa nito, hindi pa rin ito nangangahulugang magpapakasal na sila kaagad.

Sabi raw ni Sunshine kay Macky, “'Hindi naman porket annulled na tayo pareho, kailangan ganyan [mag-asawa kaagad], enjoy muna tayo, magpayaman muna tayo siguro,’ sabi ko.

“Sabi niya… e, parang siyempre siya merong plano, gusto niya.

“Pero sabi ko, ‘Ano muna lang tayo, darating naman iyan talaga, let’s wait and see na lang muna.’

“He respects me naman.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN