Gabby Concepcion speaks up about daughters KC Concepcion, Cloie Syquia Skarne

IMAGE @itskcconcepcion @concepciongabby @cloiesyquia on Instagram

Actor Gabby Concepcion (center) reacts to eldest daughter KC Concepcion's (left) love life and daughter Cloie Syquia Skarne's (right) quest to become a beauty queen.


Nagbigay ng pahayag si Gabby Concepcion sa mahahalagang kaganapan sa buhay ng mga anak niyang sina Cloie Syquia Skarne at KC Concepcion.

Si Cloie ay anak ni Gabby sa dating aktres na si Jenny Syquia, habang si KC ay anak ng aktor sa Megastar na si Sharon Cuneta.

Si Cloie na isang aspiring beauty queen ay kandidata sa Miss Universe Sweden 2018.

“I hear a lot of good things about what’s happening to her and I’m really very sorry lang na I didn’t have the chance to grow up with her, or she didn’t have the chance to grow up with me.

"But my heart is there and I wish her all the best,” pahayag ni Gabby sa interview niya sa 24 Oras ng GMA News and Public Affairs.

Noong 2016 ay lumahok si Cloie sa Miss Earth, bilang kinatawan ng Sweden, kung saan nakapasok siya sa Top 8.

Nag-react din si Gabby sa balitang masaya ngayon si KC sa piling ng French film producer na si Pierre Emmanuel Plassart.

Sabi ni Gabby sa love life ni KC, "I’m happy that she is in love.

"I’d like the person to love them also the way they love that person, and that’s important."

Sa ngayon ay hinihintay ni Gabby ang kanyang susunod na teleserye sa GMA-7 pagkatapos ng tagumpay ng Ika-6 Na Utos.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN