Sunshine Cruz explains daughters' positive reactions to annulment of her marriage with their dad

IMAGE Arniel Serato

Sunshine Cruz on being a single parent to her three daughters with ex-husband Cesar Montano: "Mahirap, pero kapag nakikita mo naman na lumalaking maayos at nirerespeto ka ng mga anak mo, it's all worth it."


Hindi maitago ng tatlong anak ni Sunshine Cruz na sina Angelina, Franchesca, at Samantha ang kasiyahan nang sa wakas ay igawad ng korte ang annulment ng kasal ng kanilang ina at amang si Cesar Montano.

Halos nagtatatalon ang tatlo nang dumating sa kanilang bahay sa BF Homes, Parañaque City, noong Martes, September 18—ang araw kung kailan nalaman ni Sunshine na pinaboran ng korte ang kanyang petition for annulment of marriage.


Stories We Are Tracking

Court grants annulment of Sunshine Cruz, Cesar Montano
Court grants annulment of Sunshine Cruz, Cesar Montano

Pahayag ng Kapuso actress tungkol sa kanyang mga anak, "Sobra, sobra [ang suporta nila].

"Alam nila yung hirap ko. Alam nila yung kailangan ko i-cancel yung trabaho ko para lang mag-attend ng hearing for annulment.

"Alam nila yung kailangan kong gumising nang maaga dahil Quezon City pa yung court... of course, ang layu-layo ng bahay namin, Parañaque.

"Alam nila kahit puyat [gumigising ako nang maaga], alam nila ang hirap ko.

"Siyempre, gusto ko lang naman talaga... ginagawa ko ito kasi it did not work," pagtukoy ni Sunshine sa kasal nila ni Cesar.

Patuloy niya, "We tried our very best. Hindi na talaga uubra.

"So we deserve an honest-to-goodness freedom."

(L-R) Angelina, Sunshine, Francesca, and Samantha.
 IMAGE Arniel Serato

Walang ibang bukambibig si Sunshine sa kanyang mga panayam kundi kapakanan lamang ng tatlong anak.

Gaano siya nahirapan bilang isang single parent?

Sagot ni Sunshine, "Mahirap, pero kapag nakikita mo naman na lumalaking maayos at nirerespeto ka ng mga anak mo, it's all worth it."

May mensahe ba siya kay Cesar ngayong opisyal na silang matatawag na ex-couple?

Diretsong tugon ni Sunshine, "Wala."


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN