Businesswoman Kathy Dupaya arrested for grave oral defamation case filed by Joel Cruz

IMAGE PEP Source

Brunei-based businesswoman Kathy Dupaya is arrested in Taguig City today, September 20, in connection with the libel case filed by Joel Cruz.


Inaresto ng Taguig City Police ngayong Huwebes, September 20, ang Brunei-based businesswoman na si Kathelyn "Kathy" Dupaya.

Ito ay kaugnay ng kasong grave oral defamation na isinampa laban sa kanya ng negosyanteng si Joel Cruz.

Nakapiit ngayon si Dupaya sa Taguig City Police Station headquarters sa Tuktukan, Taguig City.

Nakatanggap din ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kopya ng larawan kung saan nasa loob ng kulungan ang negosyante kasama ang iba pang inmates.

Nakuhaan na rin ng mug shot si Dupaya.

 IMAGE PEP Source

Matatandaang sinampahan ng PHP20-million libel suit ni Cruz si Dupaya sa Manila City Prosecutor’s Office (MCPO) dahil sa akusasyong expired na diumano ang perfumes na na-deliver ni Cruz kay Dupaya.

Mariing pinabulaanan ni Cruz ang paratang sa kanya ni Dupaya.

Bukod pa rito, naghain din si Cruz ng reklamong estafa laban kay Dupaya sa Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC) dahil hindi pa raw nito nababayaran ang utang na PHP40M.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN