Matteo Guidicelli confirms coffee dates with Sarah Geronimo in Italy

IMAGE Noel Orsal

Matteo Guidicelli is evasive when asked if it's true that he already proposed to longtime girlfriend Sarah Geronimo: "Pinuntahan ko yung Italy para magkape."


Sa kauna-unahang pagkakataon, kinumpirma ni Matteo Guidicelli na ipinagdiwang nila ni Sarah Geronimo ang kanilang fifth anniversary bilang magkasintahan sa Italy.

Panay raw ang coffee date nila roon.

Kaugnay ito ng ulat noong September 10 kung kailan namataan sina Matteo at Sarah sa Philippine airport bago sila lumipad patungong Italy.

Nakangiting pahayag ni Matteo, “Masaya. It was very enjoyable, memorable.

"Coffee high, coffee high all the time.

“Dami kong kapeng nainom!”  

Halos ganito rin ang sagot ni Matteo nang tanungin kung totoo ang bali-balitang nag-propose na siya kay Sarah.

Natatawang sabi pa rin niya, “Pinuntahan ko yung Italy para magkape.”  

Nakapanayam si Matteo ng Cinema News at PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pop-up store opening ng AvelxMatteo jeans sa Uptown Mall, Bonifacio Global City, Taguig, Huwebes ng hapon, September 20.

Noong una ay todo-iwas si Matteo nang usisain tungkol sa pagsagot niya sa fans nila ni Sarah na humopia o umasa sa paghihintay na mag-post ang binata kahit isang litrato kasama ang nobya.

Sa isang linggong pagbabakasyon nila sa Italy ay puro litrato lang kasi ng kape mula sa iba’t ibang coffee shops ang ibinahagi ni Matteo sa kanyang Instagram Stories.

 IMAGE @mateoguidicelli Instagram Story

Umabot sa puntong pakuwelang in-edit na lang ng isang netizen ang mukha ni Sarah sa litrato ng kape ni Matteo para lang masabing magkasama ang dalawa. 

Natatawang komento ni Matteo, “Kape yung kasama ko, e!

“Okey naman, masarap yung kape sa Italy, e.

"Talagang pinuntahan ko talaga yung Italy para magkape."

Samantala, excited na rin si Matteo na makasama si Sarah sa ABS-CBN Ball na gaganapin sa Makati Shangri-La hotel sa September 29.

Anong pakiramdam na makaka-date niya rito ang nobya?

Sagot ni Matteo, “I don’t know what to say. This is the first time… We’ll see. We’re just gonna have a good time.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Matteo laughs off absence of Sarah in his photos in Italy
Matteo laughs off absence of Sarah in his photos in Italy
Sarah, Matteo to celebrate fifth anniversary in Europe?
Sarah, Matteo to celebrate fifth anniversary in Europe?
Matteo asks Sarah to be his ABS-CBN Ball date
Matteo asks Sarah to be his ABS-CBN Ball date
Matteo Guidicelli sees Nico Bolzico kissing Sarah Geronimo
Matteo Guidicelli sees Nico Bolzico kissing Sarah Geronimo


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN