Janella Salvador, mom Jenine Desiderio post cryptic messages about physical violence

IMAGE Mark Atienza / Jenine Desiderio Facebook

Janella Salvador and her mom Jenine Desiderio have cryptic posts saying no to men hurting women.


Usap-usapan sa social media ang malamang pahayag ni Janella Salvador na hindi kailanman katanggap-tanggap na pisikal na saktan ng isang lalaki ang isang babae.

Kahit pa umano sabihing lasing ang lalaking nanakit ay hindi raw ito sapat na dahilan.

Hindi malinaw kung may personal na dahilan o random thought lang ito ni Janella, base sa kanyang tweet noong September 8.

Ngunit hindi maiwasang magkaroon ng espekulasyon kung may personal bang pinagdadaanan si Janella.

JANELLA'S BRUISED ARM

Lalo na’t hindi nakaligtas sa netizens ang kumalat na litrato ni Janella mula sa Instagram Story ng kaibigan niyang si Julia Barretto noong nakaraang Linggo, September 16.

Walang anumang sinabi si Julia maliban sa katagang “chef @superajanella,” bilang pagtukoy kay Janella na abala sa pagluluto.

Nakatalikod si Janella sa litrato, ngunit kapansin-pansing mayroon siyang pasa sa bandang kanang braso malapit sa siko.

 IMAGE @juliabarretto Instagram Story

Sa kabila nito ay walang sinasagot si Janella sa anumang katanungan ng mga tagasuporta kung may kinalaman ba ang kanyang pasa sa tweet niya tungkol sa physical violence.

TRUTH ABOUT WHAT?

Tila may nalalaman naman hinggil sa isyu ang ina ni Janella na si Jenine Desiderio.

Sa Instagram post ni Jenine kahapon, September 20, nagpakawala siya ng makahulugang hashtags na “NOtophysicalviolence” at “#NOtomenwhophysicallyabusewomen.”

Kalakip ng post ni Jenine ang babala na ang katotohanan ay mananaig laban sa kasinungalingan.

“Truth is always objective. Based on facts. It is never subjective. There is only one truth in every story.

“It remains consistent, steadfast & congruent with facts.

“Any deviation from that just becomes a mere opinion, which is formed by one’s perception of info plus personal judgement.”

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng reaksiyon si Janella at ina niyang si Jenine sa pamamagitan ng Instagram direct messaging ngayong araw, September 21.

Agad namin itong ilalathala sa oras na magbigay sila ng paglilinaw hinggil sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN