Jake Zyrus breaks silence about sick grandmother, being the "devil" in the family

IMAGE Arniel Serato

Jake Zyrus on helping his sick grandmother: "Tutulong ako, tutulong ako, at hindi ko ipapaalam sa iba. I'm not going to post anything on social media that I helped, hindi nila malalaman na makakatulong ako kasi, either I help or not, ako yung masama. So, kung tutulong man ako, which talaga namang tumutulong ako, hindi nila malalaman, hindi ninyo malalaman [media], nothing."


Nagsalita na sa wakas si Jake Zyrus tungkol sa panawagan ng kanyang inang si Raquel Pempengco na sana ay magpakita man lamang siya sa ospital kung saan naka-confine ngayon ang lola ng singer na si Tess Relucio.

Saad niya, "You know, honestly, I don't think I could comment on that anymore.

"Kasi, like yung mga ganyang bagay, for example, sa mga nangyari sa family...

"For example, like yung magkasakit ako or maospital ako or maospital ang mother ko or maospital ang lola ko, I think, ito na yung time na I just don't want to comment because, yes, sa amin na lang yun, sa amin na lang yun."

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at News5 si Jake sa launching ng kanyang librong I Am Jake na ginanap sa 49B-Heirloom Kitchen sa Scount Gandia, Quezon City, ngayong Biyernes ng hapon, September 21.

Nanawagan ng pinansiyal na tulong ang mga may nakakaalam sa kalagayan ni Lola Tess, na kasalukuyang naka-confine sa Sta. Rosa Hospital and Medical Center.

Ano ang reaksiyon niya rito?

Tugon ni Jake, "I'm her grandson. She has children, I think it's kinda unfair na ako lang yung laging pinuntirya.

"I mean, I cannot just keep quiet about it because all my life, I've been trying to clean my name in front of these people who always laugh at me, who always make fun of me, who always tell me that I am the devil in the family.

"And the thing is, the sad thing is, tanggap ko na yun, na ako na yung demonyo sa kanila.

"But I'm not going to accept na they do all these things to make me feel na ako ang lahat ng gagawa because… [kapag] tutulong ako, tutulong ako.

"You know, ako yung taong maipagmamalaki kong hindi ako madamot.

"Kahit na anong sakit, kahit na anong pain ang ilagay mo sa akin… pamilya ka man o hindi, tutulungan at tutulungan kita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But for you to crush me to my inner core, I'm not going to stay silent."

Sinabi rin ni Jake na kung tutulong man siya sa kanyang lola ay hindi niya ito ipapaalam sa publiko o sa media.

Ito ay sa kabila na ang mismong pamilya niya ang tila sumisira ng kanyang pangalan.

Diin niya, "I wish the best of my family, yung health, everything, sincere iyan.

"Tutulong ako, tutulong ako, at hindi ko ipapaalam sa iba.

"I'm not going to post anything on social media that I helped, hindi nila malalaman na makakatulong ako kasi, either I help or not, ako yung masama.

"So, kung tutulong man ako, which talaga namang tumutulong ako, hindi nila malalaman, hindi ninyo malalaman [media], nothing.

"It’s just to myself."

Tumanggi si Jake na magkomento sa panawagan ng inang dumalaw siya sa kanyang Lola Tess, lalo pa't ang singer daw ang itinuturing nitong pinakapaboritong apo.

"Like, again, I cannot comment on that kasi... I don't know," pakli niya.

Hindi na rin daw sila nakapag-usap ng kapatid niyang si Carl Pempengco.

Dagdag pa niya, "I think I made to this world to be alone and to have my own family."


Stories We Are Tracking

Raquel appeals to Jake to visit grandmother in the hospital
Raquel appeals to Jake to visit grandmother in the hospital

I AM JAKE

Sinimulang sulatin ni Jake ang kanyang libro noong October 2017.

Ayon sa singer, hindi siya nagdadalawang-isip na isulat ang lahat ng katotohanan kahit mag-iba man ang tingin ng publiko sa kanya o sa kanyang pamilya.

Marami raw ibinulgar si Jake sa libro patungkol sa kanyang ina, lola, at ang pagiging suicidal noon na kanya nang na-overcome ngayon.

 IMAGE Arniel Serato

Saad pa niya, "Kasi, most of the time, napapansin ko yung ibang tao, some people take their lives for almost the same reasons kung bakit trinay kong i-take yung sa akin.

"So, I want this to be their survival book.

"I want this to be... because like what I always say, it is also my survival story, it's my survival book, it's my survival story to share to everybody.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"To let them know na hindi man tayo pareho ng lahat na pinagdaanan, pero there’s always that part ng buhay natin na pareho tayo.

"Ito yung book na gusto kong basahin nila na meron pa ring hope."


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN