Victor Neri proud of converting to Iglesia Ni Cristo after years of soul-searching

IMAGE Rommel Gonzales

Victor Neri explains how the Iglesia Ni Cristo answered his long quest for spiritual truth: "Ito na yung nakapagpalinaw ng pananaw ko sa buhay, e. So I'm already sure, and this is the only... para sa akin. At saka ito na yun, ito na yung only daan kumbaga. Ito lang ang daan para sa akin, lahat naman tayo meron."


Halos dalawang taon nang miyembro ng Iglesia Ni Cristo si Victor Neri.

Bakit siya nagdesisyon na mag-iba na relihiyon mula sa pagiging Katoliko?

Paliwanag ng dating action star, “Well, mas ano siya, mas klaro.

“I understood yung mga teachings—why we need to go to service, why we need to pray, or why we need to live like Christians.

“Mas na-explain dun, e.

“Kasi nung… karamihan naman sa atin, we all woke up, pagmulat natin Katoliko na tayo e, di ba?

“Hindi naman tayo pinapili e, di ba?

“Hindi naman pinaintindi sa atin bakit, e.

“So, minsan pa tinatakot.

“Di ba laging sapilitan pa tayo i-drag out sa kama para magsimba? Mga ganun.

“Ito kasi, pag nadaanan mo na yung doktrina nila, puwede ka namang magtanong.

“Tanong ako nang tanong dun, e.”

Wala ba siyang nakuhang sagot dati?

“Oo, tsaka sa kanila yung mga hindi natin nakasanayan, yung mga kung paano ang…

“Kumbaga, yung ways, tinanong ko. E, may sagot, e.

“Di ba, it was… all their actions had an answer in the Bible e,” dagdag niya.

QUESTIONING HIS OLD BELIEFS

Wala naman daw malungkot o life-changing na pangyayari sa buhay ni Victor kaya siya nagdesisyon na maging INC.

Pag-amin niya, “Hindi na kasi ako nagsisimba ng ano, e…”

Non-practicing Catholic na raw siya dati.

Patuloy niya, “Wala lang. E, kasi parang…

“Parang, bakit ako mangungumpisal?

“Saan nangungumpisal yung pari? E, di ba tao rin naman sila, di ba?

“Wala naman sa Bibliya ang confession, bakit ko ginagawa?

“E, di ba ang sinabi sa atin is live by the Bible?

“So why am I doing this, di ba?”

May mga kaibigan daw siya na nagyaya sa kanya na maging INC member.

Aniya, “Yung nakita niya lang ako, ‘Gusto mong mag-attend?’

“E, sabi ko I have time, why not, so yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CONSTANT SEARCH FOR TRUTH

May iba na kaya nagpapalit ng relihiyon ay may mabigat na pinagdaanan o may nangyaring trahedya.

Paglinaw ni Victor, “Hindi, no, no.

“Kasi matagal na akong naghahanap, kasi nga non-practicing Catholic na ako, e.

“'Tapos, pinasok ko na rin yung Christian, yung iba-ibang grupo, tiningnan ko na rin.”

Wala rin daw nakita agad si Victor.

“Wala pa, tumira pa nga akong Hong Kong, nag-Buddhist din.

“Sinubukan ko, hindi pa rin.”

Nag-Buddhist din pala siya.

“Oo, tiningnan ko.

“May mga kaibigan ako. Marami akong nasubukan,” lahad pa niya.

Wala pa rin siyang nakuhang sagot?

“Walang sagot.”

At ngayong INC member na siya...

“May sagot, may sagot. 'Tapos, kumportable.”

ANSWERS

Ano ang sagot na nakuha mo?

Ani Victor, “Kung paano tayo mabuhay, bakit tayo mabuhay, yung purpose natin, and how we should live, but only live through the Bible.”

June 2016 nagpa-convert si Victor.

Siya lang daw ang nagpa-convert at hindi ang kanyang pamilya.

MOVIE

Gaganap si Victor bilang si Victor sa pelikulang Hapi Ang Buhay: The Musical.

Produced ng EBC Films (ng INC), ang pelikulang Hapi Ang Buhay ay sa direksyon ni Carlo Cuevas na siya ring direktor ng Guerrero na nanalong Best Feature Comedy Film sa Amsterdam International Film Festival 2018.

Ginanap ang red carpet premiere ng pelikula nitong nakaraang Biyernes, September 21, sa Cinema 3 ng SM Megamall.

Bukod kay Victor ay nasa pelikula rin sina Antonio Aquitania, Genesis Gomez, Mike Magat at marami pang iba.

Sa simula ay hindi naging pabor ang iba niyang kapamilya niya sa pagpapalit niya ng relihiyon.

Kuwento niya, “Siyempre lahat naman tayo may ano...

“Pero yung mga relatives lang yung mga nagtanong.

“Pero yung mga kapatid ko sabi nila, ‘Kesa mabuhay ka walang religion, mabuti na kaming…’”

Halos isang taon daw niyang pinag-isipan ang paglipat sa INC.

Gaano kahirap gawin ang ganitong life-changing decision?

Esplika niya, “Kasi pasasambahin ka naman, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Tapos, puwede ka naman mag-attend, puwedeng hindi ka bumalik, pero…”

May process pala talaga.

Dagdag niyang paliwanag, “Oo, maano talaga, hindi ka lang na, ‘Puwede lang?’ hindi ganun yun.

“So, when you become a member, it's because you want. Walang naging member dito na hindi nila…

“Kasi pag hindi mo nga naiintindihan, hindi ka nila... 'Wag, wag.' Hindi mo nga naiintindihan.”

Masasabi raw ni Victor na “ito na talaga.”

Diin niya, “Ito na yung nakapagpalinaw ng pananaw ko sa buhay, e.

“So I’m already sure, and this is the only... para sa akin.

“At saka ito na yun, ito na yung only daan kumbaga.

“Ito lang ang daan para sa akin, lahat naman tayo meron.”

CLEARS MISCONCEPTION ABOUT TITHING

At taliwas sa inaakala ng iba (na hindi INC member), hindi raw totoo na may certain amount na kailangang i-donate o ialay kapag may samba sila.

Pagklaro niya, “Hindi! Parang sa atin din, parang sa Catholic – kung ano gusto mo.

“Tinanong ko din yan. 'Totoo ba ‘to?'

“Kung ano ang… kumbaga ang sinasabi, kung ano ang loob mo, kusang-loob lang.

“Kung five pesos, five pesos. Kung one peso, one peso.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN