Judy Ann Santos reacts positively to Regine Velasquez's rumored transfer to ABS-CBN

IMAGE Noel Orsal

Judy Ann Santos (left) on Regine Velasquez's (right) rumored network transfer: "It's a healthy move for a career, for a person with a very outstanding career path, alam mo yun? Alam naman natin yung linya ng ginawa ni Regine, kahit ano namang ginagawa niya, naitatawid niya. Ito pa ba?"


Hindi na raw masyadong nagulat si Judy Ann Santos sa balitang paglipat sa ABS-CBN ni Regine Velasquez.

“Narinig ko siya, narinig ko siya,” sambit ng tinaguriang Teleserye Queen.

Dagdag pa niya, “Kasi may ilang talks naman na rin from years ago, di ba, na lilipat na si Reg sa ABS?”

Noong 2008 ay napabalitang aalis na si Regine sa GMA-7 at lilipat sa Dos, pero hindi naman ito nangyari.

Ngunit sa pagkakataong ito, kahit wala pang pormal na announcement, usap-usapan na pagkatapos ng The Clash ngayong September ay lilipat na ang Asia’s Songbird sa Kapamilya network.

Kung sakaling mangyayari ito, isa raw si Judy Ann sa mga matutuwa.

“Siyempre happy ako kasi, at least, dalawa na sila ni Ogie na nandodoon,” pagtukoy ng aktres sa mister ni Regine na si Ogie Alcasid.

Dagdag niya, “At saka it would allow her to explore more.

“Nakakatuwa, nakaka-excite kasi mas magiging magulo at masaya yung mga moments na magkikita kayo sa hallway. Di ba?

“Welcome naman, e, kahit sino ang lumipat at bumalik sa ABS.”

Natatawang patuloy ni Judy Ann, “Sino naman ako para magsabing, ‘Hindi ka puwede dito, ‘no!’”

Eksklusibong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Judy Ann sa tahanan nila sa Alabang, Muntinlupa City, kahapon, September 23.

JUDY ANN AND REGINE IN ONE PROJECT

Looking forward ba si Judy Ann na magkasama sila ni Regine sa isang soap opera o teleserye sa ABS-CBN?

Sagot niya, “Sana! Sana, sana. Tingnan natin.

“Pero parang… sige, magiging singer na rin ako para makasama ko si Regine!

“Magpapaka-singer na lang ako.”

Tumawa naman si Judy Ann nang biruin namin na sa isang concert na lang sila magsama ni Regine.

Kung matutuloy ang paglipat ni Regine, mukhang magkakaroon din ng posibilidad na muling makagawa ng pelikula ang Asia’s Songbird sa ilalim ng Star Cinema.

Gumawa si Regine ng pelikula sa Star Cinema noong 2007, ang Paano Kita Iibigin, kapareha si Piolo Pascual at sa direksiyon ni Joyce Bernal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin mawawala ang posibilidad na magsama sina Judy Ann at Regine sa isang pelikula sa kauna-unahang pagkakataon.

Reaksiyon dito ni Judy Ann, “Oo naman! Maraming possibilities.

“Hindi naman ibig sabihin pag lumipat ka, matatapos na yung career mo or back to zero ka na ulit. Hindi.

“Nagbukas lang ng iba pang pintuan, mag-e-explore ka lang ng bagong work space, bagong environment, bagong mga kasama sa trabaho.

“It’s a healthy move for a career, for a person with a very outstanding career path, alam mo yun?

“Alam naman natin yung linya ng ginawa ni Regine, kahit ano namang ginagawa niya, naitatawid niya. Ito pa ba?

“Siyempre, open arms naman ang pagwi-welcome namin sa kanya at iwi-welcome namin siya nang buong puso.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN