Angelica Panganiban to ex-boyfriend John Lloyd Cruz: "Gusto mo ba akong maging ninang?"

IMAGE Rachelle Siazon / Noel Orsal

Angelica Panganiban's message for ex-boyfriend John Lloyd Cruz: "Sana yung hiniling niya, nakuha niya talaga. Totoo. Kailangan, importante yun, dapat masaya siya. Silang lahat."


Diretsahang nagbitiw ng salita si Angelica Panganiban tungkol sa pagkakaroon ng anak ng ex-boyfriend niyang si John Lloyd Cruz kay Ellen Adarna.

Ito ay matapos hingan si Angelica ng tanong kay John Lloyd sa "Tanong Mo, Mukha Mo!" segment ng ABS-CBN late-night variety show na Gandang Gabi Vice (GGV), Linggo ng gabi, September 23.

Natatawang hirit ni Angelica patungkol kay John Lloyd, "Gusto mo ba akong maging ninang?

"Kasi mabuti akong ninang. 'Nood kang Playhouse, magaling akong ninang doon."

Ang Playhouse ang pinagbibidahang daytime series ni Angelica, kunsaan gumaganap siyang ninang ng naulilang bata na ipinagkatiwala sa kanila ng mister niya sa serye na si Zanjoe Marudo.

Ayon pa kay Angelica, wala silang anumang komunikasyon ni John Lloyd.

Pero napatawad na niya ang ex-boyfriend sa kabila ng masalimuot nilang hiwalayan noon.

"Okey na yun. Napatawad ko na. Masaya na ako."

Bagamat hindi pinangalanan ni Angelica si Ellen, nagparating ito ng sinserong mensahe sa pakikipagrelasyon ni John Lloyd dito.

"Masaya ako at wala akong ibang hinihiling kundi buong-buong happiness talaga nilang lahat.

"Yun lang ang gusto kong mangyari talaga.

"Sana yung hiniling niya, nakuha niya talaga. Totoo.

"Kailangan, importante yun, dapat masaya siya. Silang lahat."

BACK STORY

Hindi kaila sa publiko na early this year ay makailang-beses pinaringgan ni Angelica ang hindi niya pinangalanang ex-boyfriend na nanloko sa kanya.

Pati na rin ang hindi pinangalanang babae na nang-agaw umano ng boyfriend niya.

Natukoy ng netizens na sina John Lloyd at Ellen ang pinariringgan ni Angelica nang sabihin ng huli na magkakaanak na ang tinutukoy niyang unnamed couple.


Stories We Are Tracking

Angelica to ex-BF's new GF:
Angelica to ex-BF's new GF: "Inagaw mo lang 'yan sa akin!"
Is this Ellen's answer to Angelica's allusions?
Is this Ellen's answer to Angelica's allusions?
Angelica alludes to resentment towards new GF of her ex-BF
Angelica alludes to resentment towards new GF of her ex-BF

On record, matatandaang naghiwalay sina Angelica at John Lloyd noong January 2016.

Ngunit bandang October 2016 ay nanumbalik ang pagkakaibigan ng dalawa.

Makailang-beses pang namataang magkasama sina John Lloyd at Angelica hanggang sa magdiwang ang binata ng kaarawan noong June 2017.

BAD BREAKUP?

Hindi malinaw kung noong mga panahong iyon ay lihim na nagbalikan ang dalawa, ngunit sa kani-kanilang panayam sa entertainment press ay sinasabi nilang magkaibigan lang sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang sa noong September 2017, pumutok ang balitang nagkakamabutihan sina John Lloyd at Ellen na dalawang beses nagbakasyon sa Cebu at nasundan pa ng kanilang Euro trip noong October 2017.

November 2017 nang maiulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na buntis si Ellen at si John Lloyd ang ama.


Stories We Are Tracking

A lookback: The women John Lloyd Cruz loved before
A lookback: The women John Lloyd Cruz loved before
John Lloyd Cruz-Ellen Adarna love story: A timeline
John Lloyd Cruz-Ellen Adarna love story: A timeline

MOVING FORWARD

Sa huli, sinabi ni Angelica na nakatulong sa kanyang mag-move on ang mailabas sa pamamagitan ng kanyang "hugot" lines at "half-meant jokes" ang anumang sama ng loob na naramdaman niya noon.

"Hanggang sa isang araw, wala na, na-realize mo na lang okey ka na.

"'Tapos na-realize mo hindi mo kailangang bugbugin ang sarili mo sa pain kasi tama yung lahat ng ginawa mong desisyon.

"Kasi naging proud ako sa lahat ng taong yun natuto na ako, na wala akong pinagsisisihan, lahat yun dapat kong i-embrace."

Ang mahalaga ay natuto raw siya sa kung pinagdaanan niyang heartbreak.

"Nasaktan nila ako, nasaktan ko sila. May pagkukulang sila, I'm sure ako meron kaya nangyari yun lahat sa akin.

"So ngayon na okey na ako, yun pala yung sinasabi ng mga tao na hintayin mo lang.

"Kailangan buo ka na. Kailangan alam mo na, e. So, ba't ako magagalit?

"Di ba, dapat maging thankful ako sa kanila kasi binuo nila ako?"


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN