Assunta de Rossi aware her sexy body has changed

IMAGE Instagram

Assunta de Rossi: "Pakibabaan po ang expectations kasi I'm super super old na, as in. I swear! Buti na lang talaga, tanggap ako ng family ko na hindi ako pressured na nasa derma araw-araw. Wala akong time magmukhang bisugo, yung puro botox, saka puro fillers, kasi nga tanggap nila ako."


Thanks to Assunta de Rossi, naging masigla at masaya ang grand presscon ng pelikulang Tres ng Imus Productions ngayong Lunes, September 24, dahil sa mga panglalait niya sa sarili.

Kung nagrereklamo ng fat shaming ang ibang mga aktres, hindi si Assunta dahil ito pa ang nagbulgar sa entertainment press ng mga imperfection ng katawan niya.

Si Assunta ang leading lady ni former Senator Bong Revilla Jr. sa Kilabot at Kembot noong 2002, ang panahong kainitan ng kanyang career bilang sexy actress.

Sa Tres, markado ang role ni Assunta.

May sagot ang aktres tungkol sa pagkakapili sa kanya ng mga producer ng Imus Productions bilang "cougar" na kapareha ni Luigi Revilla, anak ni Bong, sa "Amats" episode ng pelikula.

"Siguro matagal na nila akong hindi nakikita. Maybe na-surprise sila, 'Ay, ba’t puro bilbil?'

"Hindi na 'to ang Assunta de Rossi noong araw.

"Magaling lang ako magtago pero, honey, I’m 35 years old.

"Of course, my body is not in the right place anymore. Parang marami nang changes.

"I think na bagay rin naman yung sa character description ko na parang matanda [ang role ko]," walang keber na sabi ni Assunta.

Nang may magkomento na seksi pa rin siya, sumagot si Assunta ng: "Makapag-gym nga bukas! Wait lang, na-excite naman ako."

Dagdag pa niya, "Ang mga cellulite kasi, ang dami na talagang tsismis, honestly. I will not deny.

"Thankful na lang din ako na naisip pa nila ako. It means, I still have it chos!

"I’m just being honest. Mabuti na yung laitin ko ang sarili ko kesa laitin pa ako ng ibang tao, uunahan ko na.

"Pakibabaan po ang expectations kasi I’m super super old na, as in. I swear!

"Buti na lang talaga, tanggap ako ng family ko na hindi ako pressured na nasa derma araw-araw.

"Wala akong time magmukhang bisugo, yung puro botox, saka puro fillers, kasi nga tanggap nila ako," prangkang sabi ni Assunta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino ang kanyang mga tinutukoy?

Sagot ni Assunta, "Madami! Sa Instagram na nga lang, iisa na lang ang hitsura ng mga tao.

"Gustuhin ko man na magmukhang ganoon, e, palalayasin ako sa bahay," nagpapakatotoong pahayag ni Assunta.

Inamin ni Assunta na nag-apologize siya kay Luigi Revilla matapos kunan ang kanilang torrid kissing scene sa "Amats."

Llikas daw sa ugali niya ang humingi ng paumanhin sa kanyang mga katrabaho sa tuwing maseselan ang mga eksenang ginagawa nila para sa kanilang pelikula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN