Solenn Heussaff speaks up about being discriminated by fellow Filipinos for being biracial

IMAGE Bernie Franco

Solenn Heussaff opens up about feeling frustrated because of instances when she got discriminated by fellow Filipinos for being biracial.


Aminado si Solenn Heussaff na nakaka-frustrate ang diskriminasyon mula sa mga kapwa Pilipino dahil sa pagiging mixed race o biracial.

Naranasan ito ni Solenn, na isang Filipino-French, nang minsang mag-tweet siya tungkol sa malalang trapiko sa bansa.

May mga netizen na binatikos ang 33-anyos na Kapuso actress-TV host, at sinabihang umalis sa Pilipinas at bumalik na lang sa France kung hindi siya masaya.

Ito rin ang naranasan ng Filipino-American model na si Kelsey Merritt na matapos ianunsiyong kauna-unahang Filipina na rarampa sa sikat na Victoria’s Secret Fashion Show ay may mga Pilipinong pinuna siya at sinabihang “not Pinoy-looking.”

Pahayag ni Solenn tungkol sa isyu na ito, “Actually, I’ve encountered a few [instances], parang it annoys me nga, kasi who are you to tell me na hindi ako Pinoy?

"Kasi Pinoy ako, may passport ako.

"Even if I didn’t have a passport, I grew up here, I was raised here, my mom’s Filipina, I have the same values as the Filipino people.

"So I am Filipino, like Kelsey is, [she is] half-Filipino din."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at isa pang miyembro ng press si Solenn ngayong Martes, Setyembre 25, sa taping ng Taste Buddies, isang lifestyle show sa GMA News TV.


Stories We Are Tracking

Solenn, Adrian, Saab slam HOV traffic scheme
Solenn, Adrian, Saab slam HOV traffic scheme
Kelsey Merritt responds to claims she doesn't look Filipino
Kelsey Merritt responds to claims she doesn't look Filipino

BEING MORE FILIPINO THAN OTHER FILIPINOS

Himutok pa ni Solenn, may ugali ang ibang Pilipino na ipagdiwang ang mga sumisikat na personalidad na may dugong Pilipino na nakikilala internationally, pero hindi sa Pilipinas lumaki.

Pero pinupuna ang mga may dugong Pilipino na lumaki mismo sa Pilipinas kapag sumisikat sa ibang bansa.

Aniya, “The thing is, nakakatawa sa mga Pinoy minsan, sometimes, so us, we’re half, we grew up here and everything, they’ll say, ‘Ay, hindi kayo Pinoy, bumalik kayo sa inyong bansa.’

"But then you have people, like... I’m not hating, I love Jessica Sanchez, na pure Pinay, but grew up [abroad], but has never been to the Philippines before American Idol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat ng Pinoys, ‘Oh my God, proud Pinoy!’

"I’m like mas Pinoy pa ang mga Brazilian na tumitira dito kesa sa kanya.

"But when it comes to bashing, they just want to do anything.

"But once there is konting Pinoy blood sa international level, they will claim it. 

"But when there is someone local that is discovered internationally, they bash.

“So, parang anong gusto niyo? OK, you have your own mind, your own opinion, but what do you want talaga?

"So, maraming nakaka-frustrate."

Gayunpaman, nilinaw ni Solenn na hindi niya nilalahat ang mga ito.

“There are many more good ones out there than the bad ones,” sabi niya.

Samantala, masaya si Solenn na nasa ika-anim na taon na ang Taste Buddies na ipinalalabas sa GMA News TV.

Ikinalulungkot niya ang pagpapaalam ni Rhian Ramos bilang co-host, pero excited siya sa bagong co-host na ipakikilala sa mga susunod na araw.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN