Jenine Desiderio tags Elmo Magalona as person who allegedly hurt Janella Salvador

IMAGE Mark Atienza

Jenine Desiderio on calling out Pia Magalona for allegedly covering up the fight between Janella Salvador and Elmo Magalona: "We've been quiet kahit anak ko na tinulak palabas ng van at nahulog sa kalye. Pero para baligtarin pa kami, ibang usapan na yan."


Inihayag ni Jenine Desiderio na nasaktan ang anak na si Janella Salvador dahil diumano sa pisikal na engkuwentro sangkot ang rumored boyfriend nitong si Elmo Magalona.

Ngayong araw, Setyembre 25, nagpakawala ng sunud-sunod na tweets si Jenine tungkol sa diumano’y pambabaliktad sa nangyaring alitan sa pagitan nina Janella, 20, at Elmo, 24.

Inakusahan ni Jenine ang ina ni Elmo na si Pia Arroyo-Magalona na diumano’y may pakana ng blind item sa isang entertainment gossip site tungkol sa insidenteng kinasangkutan ng isang “young celebrity,” na may kumalat na litrato sa social media kunsaan nakitaan ito ng pasa sa braso.

Nakasaad sa blind item na natamo ng “young celebrity” ang pasa nito sa braso hindi dahil sinadya itong saktan ng taong napagbibintangang nanakit dito, kundi dahil napalakas ang hatak dito ng kasama nitong babae.

Lumalabas na nakarating ito kay Jenine, na noon lang Setyembre 24 ay may makahulugang Instagram post na nagsasabing lalabas din ang katotohanan tungkol sa isyung pananakit diumano ng isang lalaki sa isang babaeng hindi niya pinangalanan.

Kahawig ito ng naunang matalinhagang tweet ni Janella noong September 9, na nagsasabing hindi sapat na dahilan na nakainom ang isang lalaki upang saktan ang isang babae.

Noon pa lang ay maraming masugid na tagasuporta nina Janella at Elmo ang nagtatanong sa comments' thread ng tweet ng young actress kung may kinalaman dito ang binata.

Walang ibang pahayag si Janella maliban sa tweet niyang iyon.

JENINE'S SIDE OF THE STORY

Ngayong direktang tinukoy ni Jenine na sangkot si Elmo sa isyu, may ilang netizens ang umapela sa ina ni Janella na tigilan ang pagbato ng akusasyon sa binata.

Ngunit nanindigan si Jenine na ang anak niyang si Janella ang naagrabyado nang mauwi sa pisikalan ang alitan nito at ni Elmo.

Base ito sa sumunod na tweet ni Jenine na nagsasabing itinulak diumano si Janella palabas ng van at pagkatapos ay nalaglag sa kalsada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We've been quiet kahit anak ko na tinulak palabas ng van at nahulog sa kalye. Pero para baligtarin pa kami, ibang usapan na yan." 

Sinagot din ni Jenine ang akusasyong pilit niyang sinisiraan sina Janella at Elmo, lalo pa't hindi lingid sa kaalaman ng publiko na matagal nang hindi pabor ang dating Miss Saigon star sa rumored relationship ng dalawang Kapamilya stars. 

Ani Jenine, "Ako? Gumagawa ng kwento? Hahaha! Parang baligtad" 

Patuloy ni Jenine, walang katotohanan ang alegasyong siya ang may pagkukulang sa anak at hindi niya dapat awayin ang pamilya Magalona, na siyang naging sandalan umano ni Janella sa loob ng panahong magkagalit silang mag-ina. 

Sagot ni Jenine sa mensahe ng isang netizen, "Wrong! Sorry. Yan ang sabi nila sa inyo. Pero yun ba ang totoo? Tanong nyo sa Diyos." 

Giit ni Jenine, "I only speak the truth." 

MOTHER-DAUGHTER ISSUES

Pagkatapos ay hinamon ni Jenine na patunayan ng netizens kung ano ang sinasabi nilang pagkukulang niya sa anak na si Janella. 

"Ano ginawa ko sa anak ko? Please explain." 

Kung ang tinutukoy raw ng netizens ay ang hinanakit kamakailan ni Jenine na mas piniling kampihan ni Janella ang driver nito kaysa sa kanya, nilinaw ng veteran singer-actress na hindi naman daw talaga tama ang ginawang iyon ng anak.

Ngunit ilan pang netizens ang nag-repost ng old tweets ni Janella na isinapubliko ang pananampal sa kanya ng sariling ina, dala ng kung anumang mother-daughter issues nila noong 2011. 

Noong panahong ito ay hindi pa artista si Janella, na nagsimulang sumabak sa showbiz noong 2012 at inilunsad bilang Star Magic artist noong 2013.

May netizen na nag-repost din ng March 2012 tweet ni Janella tungkol sa alitan nila ni Jenine dahil umano sa katigasan ng loob ng young actress.

Sa puntong ito ay hindi na muling sumagot pa si Jenine.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng opisyal na pahayag si Jenine sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe via Facebook chat at Instagram direct message.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hiningan din namin ng reaksiyon at paglilinaw hinggil sa isyu ang ina ni Elmo na si Pia sa pamamagitan ng text message at Facebook chat.

Ngunit at press time ay wala pang sagot ang mga ito.

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga nabanggit na personalidad sa artikulong ito.


Stories We Are Tracking

Janella Salvador back on good terms with mom Jenine
Janella Salvador back on good terms with mom Jenine
Janella, Jenine have cryptic posts about physical violence
Janella, Jenine have cryptic posts about physical violence
Jenine dismayed by Janella siding with their erring driver
Jenine dismayed by Janella siding with their erring driver


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN