Piolo Pascual happy ex-girlfriend KC Concepcion is back with French boyfriend

IMAGE Noel Orsal

Piolo Pascual on ex-girlfriend KC Concepcion's love life: "We always want happiness for everyone. I really wish her well, she deserves it."


Masaya si Piolo Pascual sa balitang nagkabalikan na ang ex-girlfriend niyang si KC Concepcion at ang French boyfriend nitong si Pierre Emmanuel Plassart.

Ayon sa aktor, ang hiling lang niya ay ang kaligayahan ng lahat, at deserve ng ex-girlfriend ang maging masaya.

Saad ni Piolo, "Siyempre naman, bakit naman hindi?

"Oo naman, we always want happiness for everyone. I really wish her well, she deserves it."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Piolo sa presscon para sa Sunpiology Tr10 year anniversary noong September 24, Lunes, sa Monet Ballroom ng Novotel Hotel sa Quezon City.

Tinanong din si Piolo kung may komunikasyon pa sila ni KC pagkatapos nilang magkaayos noon at kung bukas siyang makasama itong muli sa isang proyekto.

Tugon niya, "Once in a while, I guess once in a while. Project together? Let's cross the bridge when it's there."

Matagumpay ang kanyang career bilang isang aktor at producer, naiisip kaya ni Piolo na magkaanak uli kahit walang basbas ng kasal?

Sagot niya, "Ayoko, nanay ko ganun ang sinasabi, 'Anak, sige, pagbigyan mo na.' Buti na lang Kristiyano ako.

"'Anak, sige na, pagbigyan mo na. Tingnan mo nagkakaedad na o, wala pang anak. Kasi ikaw, e.' Huwag naman ganun."

ON HANDLING BASHERS

Samantala, sa September 29 na ang ABS-CBN Ball na gaganapin sa Makati Shangri-La Hotel.

Noong ito ay kilala pa sa tawag na Star Magic Ball, may isang beses na ang naging ka-date ni Piolo ay ang kanyang rumored girlfriend na si Shaina Magdayao.

Pero tumanggi nang magbigay ng pahayag ang aktor tungkol dito dahil sa natatanggap niyang batikos mula sa netizens.

Ayon kay Piolo, "Bina-bash kasi ako pag nagsasalita ako about Shai [tawag niya kay Shaina], so ayoko na lang magsalita.

"Ang dami kong nakukuha sa Instagram. Masakit silang magsalita, baka pumatol ako, e. Ayoko na lang magsalita."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Oo, ipinagdarasal ko silang manahimik sila.

"Sumagot? Mayroon, sumasagot ako pero tine-take down ko rin after, tinatanggal ko rin yung post.

"Minsan masasaktuhan ka na wala ka sa mood, e, yung family ko, diretso sagot agad, e. Nai-stress ako sa kanila. 

"Pag sumagot ako, pag nasalihan na yun, even the fans also, so huwag na lang.

"Dasal, yun lang."

Kapansin-pansin ding may ilang bashers na sinagot si Iñigo Pascual, ang binatang anak ni Piolo.

Ayon kay Piolo ay pinagsasabihan niya ang anak na matutong magkontrol ng emosyon at huwag makipag-away.

Kuwento niya, "Sumasagot yun, e. Mas sumasagot pa sa akin yun, e. 

"Pinapagalitan ko. Sabi ko, 'Easy ka lang. You don't have to be pikon. At the end of the day, they just want your attention.'

"Sabi ko, huwag ka na lang sumagot. E, nang-aaway, laking-America.

"I always tell him, 'Choose your battles. Huwag mong patulan ang lahat. Don't share your thoughts on Twitter, Instagram, Facebook.

"'Kung may gusto kang sabihin, sarilinin mo na lang with close set of friends para walang judgment.'"

PROJECTS WITH JUDAY, DIREK CATHY

Tinanong din namin si Piolo kung tuloy pa ba ang matagal nang inaabangang pagbabalik-tambalan nila ni Judy Ann Santos sa isang proyekto sa ABS-CBN.

Sagot niya, "It's not up to me. I told Juday, whenever she is ready.

"Sana, sana naman bago kami tumanda.

"Maraming materials, si Tita Charo [Santos-Concio] nga may material na pinitch, e, nung nag-Sun Life presscon kami.

"A lot of nice concepts, we are just waiting na lang."

Hanggang ngayon pala ay hindi pa nagkakatrabaho sina Piolo at Direk Cathy Garcia-Molina.

Kuwento nga sa amin ng aktor, dumating ang puntong sumama ang loob sa kanya ng box-office director sa pag-aakalang ayaw niya itong makatrabaho.

Paliwanag ni Piolo, "We were supposed to work already in some projects, pero laging di natutuloy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagkasamaan pa nga kami ng loob, akala niya ayoko siyang makatrabaho. We've been good friends these last 20 years.

"Sana, sana talaga magkatuluyan kami one time."

Marami naman ang nakakapansing may love angle na ang mga karakter nina Piolo at Toni Gonzaga sa ABS-CBN sitcom na Home Sweetie Home. 

Ito ay matapos mawala sa sitcom ni John Lloyd Cruz, na gumanap bilang asawa ni Toni.

Pahayag ni Piolo tungkol dito, "That's why we asked the people, we asked the audience, we asked our friends who watch the show their thoughts kasi hindi naman puwedeng abrupt yun.

"Hindi naman puwede na porke't just because nawala si John Lloyd, you can gear towards another love team, another partnership.

"Of course, we still wanna cater to the Filipino family, it's really sensitive but we are happy."

Dagdag pa ni Piolo, "We have inclusion of Empoy, myself, Kuya Ogie, Rufa Mae.

"It's become bigger as family and we really just have fun.

"We want to epitomize, you know, Filipino family, modern Filipino family and culture, so mas naggu-grow.

"Nagkakaroon ng progress yung sitcom."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN