Kris Aquino loses weight due to current upheaval; admits to being "broken"

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Kris Aquino reveals that she may now lose hard-earned millions of pesos after being deceived by a person she trusted.


“I am now broken...” bahagi ng Instagram post ni Kris Aquino nitong Martes ng gabi, September 25.

Isiniwalat ni Kris na nasasangkot siya ngayon sa isang problema kung saan maaaring mawala sa kanya ang pinagpagurang pera na nagkakahalaga ng milyun-milyong piso.

Ito ay dahil sa panloloko raw sa kanya ng isang taong pinagkatiwalaan niya.

Sa mahabang post ng TV host/actress/social media influencer, ipinaliwanag niyang kaya siya nananahimik sa social media dahil sa payo na rin ng kanyang legal team hangga't hindi pa natatapos ang kinahaharap na kaso.

“The reason you haven't seen me post new pics is because I lost weight in the last 6 weeks, unable to eat or sleep properly...” mensahe niya.

Kalakip ng post ay photo slides, kasama ang mga larawan ni Kris bilang patunay na pumayat siya at kulang sa tulog dahil sa kinakaharap na problema.

Pero nagdesisyon daw siyang magsalita tungkol dito dahil na rin sa paghanga ng supporters niya dahil sa kanyang katatagan.

“I decided to set myself free & share w/ you what affected me.”

BROKEN TRUST

Makahulugang post ni Kris, “Broken trust is like shattered glass, as you try to pick up the pieces, your wounds bleed even more.

“My PAIN comes from my fear that tens of tax paid millions from my son's trust funds, money I conscientiously saved for them because I made a deathbed promise to my MOM that Kuya Josh & Bimb will always comes first, baka mawala lahat ng pinagpaguran ko dahil sa kanila.

“It is WRONG that the 2 BOYS I LOVE THE MOST, MY LIFE'S MEANING & INSPIRATION may suffer consequences because I was targeted & deceived by a person with no conscience,” pahayag ng 47-anyos na aktres.

Ipinapaubaya na raw ni Kris ang settlement o legal battle sa kanyang mga abogado.

“auditing and accounting firms I TRUST, the word of honor of his deeply shamed mother & sister that all my investments shall be returned, and our collective PRAYERS that JUSTICE for my sons will prevail...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi tinukoy ni Kris kung sino ang taong pinatatamaan niya.

Iniisip din daw ni Kris na may aral kaya pinagdadaanan niya ang ganitong “humiliation.”

“To have first hand experience pag niloko ka sa pinaghirapan kong pera—dahil nga may BOSES ako at yung boses na yun dapat gamitin para MAGSALITA at IPAGTANGGOL ang mga napipilitang manahimik.

“I still firmly believe: ang TAMA NILALABAN.”

View this post on Instagram

Hirap na hirap po ako na may mga pinagtakpan sa inyo. Pinayuhan akong manahimik hanggang ma kumpleto ang due diligence. I’ve always been HONEST, sometimes to a fault. The reason you haven’t seen me post new pics is because i lost weight in the last 6 weeks, unable to eat or sleep properly... you told me that you admired my STRENGTH- natakot akong baka mawala ang bilib nyo sa kin because i am now broken. But i decided to set myself free & share w/ you what affected me. My family advised me to have FAITH in our legal system. I am grateful to Atty Sig Fortun for taking care of me over 15 years, and i’m fortunate to now have Atty Florin Hilbay as part of my legal team. Broken trust is like shattered glass, as you try to pick up the pieces, your wounds bleed even more. My PAIN comes from my fear that tens of tax paid millions from my sons’ trust funds, money i conscientiously saved for them because i made a deathbed promise to my MOM that Kuya Josh & Bimb will always come first, baka mawala lahat ng pinagpaguran ko para sa kanila. It is WRONG that the 2 BOYS I LOVE MOST, MY LIFE’S MEANING & INSPIRATION may suffer consequences because i was targeted & deceived by a person with no conscience. The settlement or legal battle will now be in the hands of lawyers i RESPECT, auditing and accounting firms i TRUST, the word of honor of his deeply shamed mother & sister that all my investments shall be returned, and our collective PRAYERS that JUSTICE for my sons will prevail... Everything happens for a reason-maybe God made me experience this humiliation for me to have first hand experience na niloko ako sa pinaghirapan kong pera- dahil nga may BOSES ako at yung boses na yun dapat gamitin para MAGSALITA at IPAGTANGGOL ang mga napipilitang manahimik. I will continue to believe: ang TAMA NILALABAN. ????

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN