Raquel Pempengco to give Jake Zyrus jackpot prize if she wins in lotto

IMAGE Arniel Serato / RA QU EL Facebook

Raquel Pempengco: "Kung sakaling manalo ako, ibibigay ko kay CHARICE...para hindi na nya gawin pa ang pambababoy sa pagkatao ko."


Nagpasaring si Raquel Pempengco sa anak na si Jake Zyrus—kilala dati bilang Charice Pempengco—na diumano'y nambaboy sa kanyang pagkatao.

Sa pamamagitan ng isang quote card sa Facebook ngayong araw, September 26, ibinahagi ni Raquel ang usung-uso ngayong tanong sa social media: "Ano ang gagawin mo sa halos P700M na Jackpot prize sa Lotto?"

Sagot dito ng ina ng singer, "Kung sakaling manalo ako, ibibigay ko kay CHARICE... para hindi na nya gawin pa ang pambababoy sa pagkatao ko at di nya na ako gawing masama sa madlang people.

"Pagsisisihan mo yan balang araw..."

Nag-ugat ang mainit na bangayan ng mag-ina pagkatapos sabihin ni Jake sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na bakit kailangang siya lagi ang hinihingan ng tulong kapag may nagkakasakit sa kanilang pamilya.

Sinabi ito ni Jake matapos manawagan ang ilang mga nakakakilala sa kanilang pamilya ng tulong pinansiyal para sa kanyang lola na si Tess Relucio na nakaratay noon sa isang ospital.

Ayon naman kay Raquel, hindi nila kailangan ng pera ni Jake kundi presensiya lamang para sa lola nitong itinuturing siyang kanyang pinakapaboritong apo. 

Samantala, isinalarawan na ni Raquel sa kanyang Facebook profile ang kanyang pagiging "evil queen."

Matatandaang sinabi ni Jake na "evil queen" ang turing niya sa ina.


Stories We Are Tracking

Jake Zyrus breaks silence about sick grandmother
Jake Zyrus breaks silence about sick grandmother
Raquel reacts to Jake's
Raquel reacts to Jake's "devil in the family" statement
Jake Zyrus details abuses he suffered from mom in book
Jake Zyrus details abuses he suffered from mom in book
Raquel Pempengco reacts to revelations of Jake Zyrus in book
Raquel Pempengco reacts to revelations of Jake Zyrus in book


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN