Ciara Sotto teased about new man in her life

IMAGE @chamyto20 via @pinaypole / @giansotto Instagram

Ciara Sotto has a short but telling statement about mystery guy who escorted her during her dinner with her parents and siblings. Responding to teasing remarks about new guy in her life, Ciara writes, "ayan na siyaaaaa." 


Sa kauna-unahang pagkakataon ay namataan si Ciara Sotto kasama ang isang lalaking hinihinalang boyfriend nito ngayon.

Mismong kapatid ni Ciara na si Gian Sotto ang nagbuking na may love life na ulit ang singer-actress, dalawang taon at kalahati mula nang maghiwalay ito at mister na si Jojo "Joe" Oconer.

Sa Instagram post ni Gian noong September 23, ibinahagi niya ang group photo ng pamilya Sotto nang mag-dinner sila para sa wedding anniversary ng kanilang mga magulang na sina Senator Tito Sotto at Helen Gamboa.

Kapansin-pansing couples ang lahat ng nasa litrato, kabilang na si Ciara at ang lalaking katabi nito. 

Kalakip nito ang malamang caption ni Gian na nagsasabing, “Thank God for a night filled with love! Happy Anniversary Mom and Dad! Sino pa kilig sa pic na’to? @joywsotto [lovestruck emoji] #SoKilig #Happy #Anniversary #love [heart emoji].”

Sa comments’ section ng post, sunud-sunod ang panunukso kay Ciara at sa lalaking kasama nito.

Naturingang ang mga magulang ni Ciara ang nagdiriwang ng anibersaryo ng mga ito, pero mas kilig daw ang blooming love life niya ngayon. 

Hindi rin daw maitatanggi na kakaiba ang ngiti ni Ciara sa litrato. 

Nanunudyong sang-ayon naman ni Gian, "Ibang-iba! Hahaha!" 

May mga bumati rin kay Ciara na "talagang may forever" dahil tila nahanap nito ang lalaking makakasama niya habambuhay. 

Sabi pa ng iba, "haba ng hair" ni Ciara dahil "guapo at ang tangkad" ng lalaking nauugnay sa kanya. 

Isang kakilala ng magkapatid na Ciara at Gian ang nagsabing, "Ay ako super kilig sa pic na 'to Kuya @giansotto [smiley emojis] @pinaypole" 

Sa comment na ito sumagot si Ciara at tila kinumpirma ang masayang estado ng kanyang love life ngayon. 

Tukoy ni Ciara sa hindi pinangalanang lalaki na katabi niya sa litrato, "@karabelles ayan na siyaaaaa [laughing emoji"

Susog muli ni Gian, "@karabelles Ayun oh! Hahahaha!" 

Base rito, tila may basbas na ng mga magulang at kapatid ni Ciara na nakatagpo ito ng lalaking mamahalin at magmamahal sa kanya. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lalo na't dalawang taon at walong buwan na rin ang lumipas mula nang makipaghiwalay si Ciara sa mister niyang si Joe dahil sa isyung third party. 

Noong June 2018, inamin ni Ciara na nasa proseso na ng annulment ang kasal nila ni Joe. 

Mayroong tatlong taong gulang na anak sina Ciara at Joe. 


Stories We Are Tracking

Ciara Sotto admits she suffered from depression
Ciara Sotto admits she suffered from depression
Ciara Sotto seeks annulment of marriage to Joe Oconer
Ciara Sotto seeks annulment of marriage to Joe Oconer
A lookback: The women John Lloyd Cruz loved before
A lookback: The women John Lloyd Cruz loved before
Ciara Sotto opens up about separation from husband
Ciara Sotto opens up about separation from husband


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN