Maureen Wroblewitz denies rumored suitor Ruru Madrid visited her in London

IMAGE @mauwrob / @rurumadrid8 Instagram

Asia's Next Top Model 2017 winner Maureen Wroblewitz says she barely has communication with rumored suitor Ruru Madrid, "The last time, yeah, we had Sunday PinaSaya together. I think that was also the last time I saw him."


Pinabulaanan ni Maureen Wroblewitz, 20, ang espekulasyong sinundan siya ng rumored suitor niyang si Ruru Madrid, 20, sa London.

Usap-usapan na nasa "texting stage" na sina Maureen at Ruru nang biglang nagtungo si Maureen sa London noong Pebrero.

Tatlong buwang namalagi roon si Maureen upang gampanan ang responsibilidad niya bilang Asia’s Next Top Model 2017 winner.

Binisita ba siya ni Ruru noong siya ay nasa London?

Matamis ang ngiti ni Maureen nang sinabing, “No, he didn’t.”

Ayon kay Maureen, huli niyang nakasama si Ruru sa live telecast ng GMA-7 Sunday noontime show na Sunday PinaSaya noong July 8.

Patuloy ba ang komunikasyon nila ni Ruru?

Natigilan sandali ang dalaga bago mabining sumagot, “Uhm, not really. Like, just barely, yeah.

“The last time, yeah, we had Sunday PinaSaya together.

“I think that was also the last time I saw him.”

Single pa si Maureen, na umaming nakikipag-date siya before, pero wala pang opisyal na naging boyfriend.  

May mga manliligaw raw siya ngayon, “but I won’t drop any name.”

Wala pa raw kasi sa isip niya ang makipagrelasyon.

“Not yet!” pagdidiin ng dalaga.

Anu-ano ba ang qualities ng ideal guy niya?

Napakagat-labi si Maureen at hinaplus-haplos ang ilong habang inilalarawan ang kanyang ideal guy, “Well, he’s supposed to have a sense of humor because sometimes I’m sarcastic or I make jokes.

“I can really be weird and crazy, so he should be weird-crazy, too!”

Hindi man eksaktong maipaliwanag ni Maureen ang kanyang kakaibang personalidad, kailangang masakyan daw ito ng kung sinumang maging boyfriend niya in the future.

Aniya, “I’m, like, just weird as a person. I don’t know…

“I can’t really say anything like super-super weird, but I’m just, like, weird.

“I do weird dances sometimes.”

Mayroon ba siyang local celebrity crush?

Kinikilig na sagot ni Maureen, “All international.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero isa raw dito ay ang ang Canadian singer na si Shawn Mendes na crush daw ng dalaga “since I was 15.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN