Robi Domingo posts photo with rumored girlfriend for the first time

IMAGE Noel Orsal / @iamrobidomingo Instagram

For the first time, Robi Domingo shows a photo of how he spends time with rumored girlfriend Maqui Pineda. 


Hindi na napigilan ni Robi Domingo na isapubliko ang pausbong na relasyon nila ng rumored girlfriend niyang si Maqui Pineda. 

Ito ay matapos ibahagi ni Robi ang litrato nila ni Maqui sa mismong kaarawan ng binata kahapon, September 27. 

Kuha ang litrato habang sakay ng boat sina Robi at Maqui na parehong nakasuot ng scuba-diving wetsuit. 

Makikita rin sa flat lay ng Instagram post ni Robi na ang photo print, greeting card, at stuff toy na Picachu. 

May written text ang tila missing-you greeting card na nagsasabing "BOO-HOO BLUE-THAT'S ME WITHOUT YOU!" 

View this post on Instagram

Photos, Pheelings, and Pikachu. ????

A post shared by Robi Domingo (@iamrobidomingo) on

Unang namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Robi kasama si Maqui—ang non-showbiz girl na napababalitang dini-date niya—sa premiere night ng pelikulang BuyBust noong July 23.  

Nasundan pa ito ng pambubuking kay Robi ng kaibigan niyang si Alex Gonzaga.

Nahuli ni Alex sina Robi at Maqui na nagmu-malling noong mid-August. 

August 30 nang kumpirmahin ni Robi na batchmates sila ni Maqui sa Ateneo de Manila University. 

Noon pa raw sila magkakilala, ngunit nitong taon lang nagkaroon ng pagkakataong magkamabutihan. 

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph, sinabi ni Robi na nasa "dating" stage pa lang sila ni Maqui.

Anong katangian ang pinakanagustuhan niya sa dalaga? 

"Wala akong ibinigay na criteria, e. Pero binigyan ko ng four stars, e," nakangiting sagot ni Robi.

Dugtong niya, "Basta alam ko, masaya ako.”


Stories We Are Tracking

Robi Domingo confirms dating college batchmate
Robi Domingo confirms dating college batchmate
Alex Gonzaga catches Robi Domingo with non-showbiz girl
Alex Gonzaga catches Robi Domingo with non-showbiz girl
Robi Domingo mum about non-showbiz girl he's dating now
Robi Domingo mum about non-showbiz girl he's dating now
Gretchen happy for ex-boyfriend Robi's newfound love
Gretchen happy for ex-boyfriend Robi's newfound love


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN