Piolo Pascual happy son Iñigo decides to stay in Manila for good

IMAGE Noel Orsal / Screengrab from Magandang Buhay

Piolo Pascual rejoices he will now see his son Iñigo Pascual more often. His ex-partner Donna Lazaro and Iñigo (photo, left) as guests in Magandang Buhay where both talked about their decision to live permanently in the Philippines .


Tuwang-tuwa si Piolo Pascual sa desisyon ng anak na si Iñigo Pascual na permanente nang manirahan sa Pilipinas kasama ang ina nitong si Donna Lazaro, ang ex-girlfriend ng aktor.

Sa Amerika lumaki si Iñigo sa piling ni Donna at umuwi lamang ito sa bansa may ilang taon na ang nakararaan at sinundan ang yapak ng ama.

Kuwento ni Piolo, "I guess so. You know Iñigo has a good career to begin with and, yes, very…

"He's a hardworker, he's a hardworking dude, so I guess yun naman ang importante, e.

"He's been training a lot, acting and singing."

Dagdag pa niya, "If it was up to me, of course I want him around so I can be with him physically any given time that we're both free.

"Like yesterday magkasama kami, kahit maaga yung call time niya today, bago siya umuwi.”

Sa unang guest appearance naman ni Donna sa Magandang Buhay ng ABS-CBN noong Lunes, September 24 sinabi niya, "Dito na talaga kaming dalawa kasi gusto niya dito, e.

"Kasi from the start, lahat ng ginagawa niya, sinu-support ko, go ako.

"I'm here, Iñigo, para i-cheer ka.

"So, ganun pa rin alam mo na nandiyan pa rin lagi si Mommy, kahit 21 ka na."

Tugon ni Iñigo, "Thank you for supporting me in all the things I want to do, my dreams.

"I would not be able to reach any of these without any of you guys, my parents, my family.

"You guys keep me grounded wala naman akong makakamit sa buhay kung wala ang support niyo.

"I love you. mom, I will always be here. You know that."

 IMAGE Courtesy: Magandang Buhay (ABS-CBN)


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN