PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carla Abellana ready to marry boyfriend Tom Rodriguez

Carla Abellana on marrying boyfriend of four years Tom Rodriguez: "Only God knows kung kailan kami ikakasal."
by Arniel C. Serato
Published Nov 3, 2018 | Updated Sep 30, 2018
Carla Abellana on her dream wedding: "Hindi naman po engrande, basta ano lang... romantic at very elegant."

Handang-handa na raw lumagay sa tahimik si Carla Abellana kasama ang kanyang nobyong si Tom Rodriguez, ngunit may ilang bagay pa raw silang kailangang i-prioritize.

Nakangiting kuwento ni Carla, "Opo, ready na po ako, I am 32.

"Napag-uusapan naman po namin, pero only God knows kung kailan kami ikakasal.

"Napag-uusapan naman po, pero in terms of date o yung time, wala pa."

Dagdag pa ng Pamilya Roces star, ready na siyang magpakasal kay Tom, 30, ngayong apat na taon na rin ang kanilang relasyon.

Sabi pa niya, "Pero kasi nandun pa kami sa stage na... like ako, kaka-franchise ko lang po ng bagong business.

"He's focusing on his arts.

"So, parang medyo ano pa ho, medyo may iba pang bagay na medyo kailangan bigyan pa ng time.

"Relationship-wise we are ready. Financially, kahit paano."

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carla noong nakaraang Huwebes, September 27, sa pagbisita niya sa PEP.ph office para i-promote ang bago nilang serye sa Kapuso Network na Pamilya Roces.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipapalabas na ito sa darating na October 8, sa GMA Telebabad.

DREAM WEDDING

Dagdag pang kuwento ni Carla, ang Diyos lang daw ang nakakaalam kung kailan sila magpapakasal ng boyfriend.

Lahad niya, "Honestly, relationship-wise or financially, okay naman po kami, it's just that there are so many other things that we need to attend to.

"Sabi ko nga, only God knows.

"Kung ano na lang po ang mangyayari in God's time, kung kailan po ibigay, wala pong problema."

Katulad ng ibang babaeng ikakasal, meron din kaya siyang dream wedding?

Tugon nito, "Wala naman po.

"Basta lagi kong sinasabi na gusto ko ikasal sa simbahan, kasi I'm a Catholic.

"Basta simbahan.

"Basta as romantic and as intimate as possible, with our family and closest friends.

"Hindi naman po engrande, basta ano lang... romantic at very elegant."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carla Abellana on her dream wedding: "Hindi naman po engrande, basta ano lang... romantic at very elegant."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results