
Director Mike de Leon on ABS-CBN Ball 2018 being privately funded: "Privately funded nga, but there are more sensible ways to promote a noble cause."
Isang katanungan ang iniwan ng batikang direktor na si Mike de Leon kaugnay ng katatapos lang na ABS-CBN Ball.
Naging trending topic worldwide ang kauna-unahang ABS-CBN Ball 2018 na ginanap sa Makati Shanri-La Hotel noong Sabado, September 29.
Sa nasabing pagtitipon ay nagpabonggahan sa kanilang mga ayos at porma ang Kapamilya stars na dumalo.
Layunin din ng ABS-CBN Ball na makalikom ng pera para sa Bantay Bata children’s village sa Bulacan.
Sa social media, naglipana ang mga post ng mga artista ng kanilang magagandang gowns, suits, alahas, ang lineup ng kanilang glam team, at iba pa.
Hanggang ngayon nga ay ramdam pa rin ang ABS-CBN Ball fever sa loob at labas ng showbiz.
Kaugnay nito, nag-iwan ng isang palaisipan si Direk Mike sa Citizen Jake Facebook account nito.
Aniya, "Many people will not like this question but I have to ask it—In these dark times of murder and hunger, who really needs the ABS-CBN ball?"
Inihambing pa ng acclaimed director ang ABS-CBN Ball sa mga magarbong party ni dating First Lady Imelda Marcos noong nasa puwesto pa ang yumaong asawa nitong si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Sabi ni Direk Mike, "Bread and Circuses again a la Imelda Marcos."
Kalakip nito ang larawan ni Vice Ganda, kasama ang kanyang It's Showtime host na si Ryan Bang, na kuha sa ABS-CBN Ball.
NETIZENS REACT
Kasunod ng post na ito ni Direk Mike, may mga reaksiyon kaagad ang netizens.
Ayon sa ilan, private party naman daw ang ABS-CBN Ball na may cause at hindi funded ng gobyerno.
Ang mga party diumano noon ni Imelda ay gastos ng gobyerno.
Ang ilan sa kanila ay sinagot ng direktor.
Katulad na lamang ng komentong ito ni Geri Lin, "Direk kaya nga love na love kita eh! U got that spunk to speak out... Kaso privately funded po iyan hindi government funds..."
Sagot ng Citizen Jake director, "Thank you Geri, pero hindi nga yun ang point.Â
"Privately funded nga, but there are more sensible ways to promote a noble cause.
"Parang yung sinabi ni Marie Antoinette nung naghihirap na ang mga Pranses at walang makain, 'Let them eat cake.'"

Â

Sabi naman ni Aldene Jose Lapating Duyag, "It was a fund raising event at the same time for abused children."
Tugon dito ni Direk Mike, "So why exploit abused children further? Anyway, as I said, many will not like the question.Â
"Pero please naman, don't be naive. It's just showbiz exploitation.
"Kung Hollywood pa, ok lang siguro, but in third world country like ours?"


Narito pa ang ibang mga komento na sinagot ni Direk Mike:



Kamakailan ay naging laman ng balita si Direk Mike dahil sa kanilang patutsadahan ni Atom Araullo sa social media habang palabas sa mga sinehan ang pelikula nilang Citizen Jake.