Aljur Abrenica on meeting Robin Padilla at ABS-CBN Ball: "Kinikilig ako."

IMAGE Mark Atienza

It was a happy reunion between Aljur Abrenica and girlfriend Kylie Padilla and Robin Padilla and wife Mariel Rodriguez at the recently-concluded ABS-CBN Ball.


Marami ang natuwa nang magyakapan at mahigpit na nagkamay sina Robin Padilla at Aljur Abrenica sa ABS-CBN Ball na ginanap sa Shangri-La Makati noong Sabado, September 29.

Ito raw ang patunay na natuldukan na ang naging isyu nila noon.

Kasamang dumalo ni Robin ang kanyang misis na si Mariel Rodriguez.

Si Aljur ay ka-date naman ang partner niyang si Kylie Padilla, anak ni Robin.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News, nagkuwento si Aljur tungkol sa pagkikita nila ng kanyang future father-in-law.

Ayon sa Asintado actor, "Sabi niya, kinikilig ang tumbong niya. Parang ganun din ako, kinikilig ako.

"Siyempre, finally, paulit-ulit kong sasabihin, thankful ako sa nangyari sa huli.

"After all ng mga pinagdaanan, dito rin mauuwi.

"Wala na akong napi-picture pa kundi ito ang pinakamaganda na nangyari sa amin."

Tinanong din si Aljur tungkol sa nalalapit nilang pagpapakasal ni Kylie.

Aniya, "Oo, pupunta tayo dun, pero wala pa akong detalyeng maibibigay.

"Saka sa mga nagtatanong, salamat, salamat at interesado kayo sa istorya ng pagsasama namin ni Kylie.

"Kaunting tiis lang, malalaman ninyo rin, malapit na."

Masayang-masaya raw ang Kapamilya actor sa mga kaganapan sa buhay niya ngayon.

"Masaya, noon pa man, sa nakikita ninyo naman sa nangyari, sa father-in-law ko, sa lahat, okay yung nangyari.

"Sobrang happy ako."

FAMILY MAN

Ipinagmamalaki naman ni Aljur ang pagiging hands-on ni Kylie sa kanilang anak na si Alas.

"Very proud. Sa unang-una pa lang, kung babalikan natin, sa panganganak pa lang, pinili niya yung water birth.

"Wala naman akong judgment sa iba't ibang klase ng pagpapaanak, pero sa perception niya, yun ang pinaka-the best.

"Sa umpisa pa lang, hands-on na nanay talaga siya.

"Isa yun sa pinagpapasalamat ko na napakasuwerte ko na yung kasama ko ay yung person na wala akong mahihiling pa."

Tungkol naman kay Alas, sabi ni Aljur, "Masaya, masayang bata. Maayos naman, nag-isang taon at isang buwan na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Buti na lang kamukha ng nanay."

ASINTADO LAST WEEK

Samantala, hanggang ngayong linggo na lang mapapanood ang afternoon drama series ng ABS-CBN na Asintado, kung saan kabilang si Aljur.

Mixed emotions daw ang aktor sa pagtatapos ng kanilang teleserye.

Aniya, "Siyempre nalulungkot ako at masaya.

“Nalulungkot ako dahil patapos na kami.

"Masaya dahil may nabuong pagkakaibigan sa mga direktor, lalo na sa mga artista."

Binanggit ni Aljur ang mga pangalan ng co-stars niyang sina Julia Montes, Paulo Avelino, Shaina Magdayao, Nonie Beuncamino, at Lorna Tolentino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN