Richard Yap hints at demolition job amid indefinite plan to run as Cebu congressman

IMAGE Mark Atienza

Richard Yap on detractors of his plan to join politics: "I know it's going to be worse... Di pa nga sigurado kung papasok ako o hindi, may nag-uumpisa na." 


Hindi nagpatinag si Richard sa umano'y nararanasan niyang demolition job mula sa mga taong ayaw siyang sumabak sa pulitika.

Ito ay kahit na hindi pa pormal na nakakapagdesisyon si Richard kung tatakbo siya bilang congressman sa North District ng Cebu City.

Sa Cebu lumaki at nanirahan ang Kapamilya actor bago siya nagtungo ng Manila nang siya ay magkolehiyo. 

Pahayag ni Richard, "I know it's going to be worse.

"Even now, I think may nag-uumpisa na.

"Di pa nga sigurado kung papasok ako o hindi, may nag-uumpisa na.

"Pero pag nasa tama naman tayo, wala naman tayong dapat ikatakot."

Nakapanayam ng PEP.ph at Cinema News si Richard sa first ABS-CBN Ball, na ginanap sa Makati Shangri-La Hotel sa Makati City noong Sabado, September 29.

Aminado si Richard na mas matindi ang intriga sa pulitika kaysa showbiz.

Pero hindi raw ito isyu para sa kanya.

"I think kakayanin naman natin ang lahat, nasa showbiz naman tayo.

"We've gone through sa lahat naman ng mga ganun, bashing and all that.

"Di ko pinapansin kasi karamihan naman sa nangba-bash, hindi naman nila alam ang sinasabi nila."

Sa huli, nilinaw ni Richard na hangga't hindi pa siya nagpa-file ng certificate of candidacy (COC) sa Commission on Elections (COMELEC) ay wala pang kasiguraduhan kung kakakandidato siyang congressman.

"Until sa filing ng COC, nothing is definite yet.

"You know, I've been thinking a lot about this.

"It's time that somebody else comes in who is not a traditional politician, who knows how to run a business, who feels that we can change.

"Iyan ang tumutulak sa atin if ever I do decide to go through."

Sa isang presscon sa Cebu noong September 17 unang inihayag ni Richard na pinag-iisipan niyang mabuti kung sasabak siya bilang kongresista sa Cebu. 

Pero ayon sa ulat ng Cebu Daily News, tumangging magkomento si Richard sa bali-balitang hinihimok siya ng Barug Team Rama ni dating Cebu City Mayor Michael Rama na tumakbo sa ilalim ng partidong Partido Demokratiko Pilipino-Lakas Ng Bayan (PDP-Laban). 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakaling matuloy siyang tumakbo sa May 2019 elections, makakalaban ni Richard ang incumbent Cebu City North District congressman na si Raul del Mar.


Stories We Are Tracking

Richard Yap
Richard Yap "seriously thinking" about running for Congress


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN