Gabbi Garcia wants to keep dating life with Khalil Ramos low-key

IMAGE Instagram

Gabbi Garcia on why she wants to keep details of budding romance with Khalil Ramos low-key: "Nagtatrabaho na po kami sa industriya. Hindi na po namin kailangan."


Bagamat hindi na itinatago ni Gabbi Garcia ang pagkakamabutihan nila ng Kapamilya actor na si Khalil Ramos, nais ng Kapuso actress na maging pribado hangga't maaari ang relasyon nila.

Ito ay matapos umamin ni Khalil na sila ay nasa dating stage, nang mag-guest ang binata sa Tonight With Boy Abunda at mag-post na rin sa social media ng litrato nilang magkasama.

May blessing ba ni Gabbi ang naging pag-amin ni Khalil?

"We always talk about it," sagot niya.

"And ano po kami, we don’t really want to spoil anything.

"And ako po, from my experience, I wanna protect this one. I want to keep it private and low-key.

“I mean, I don’t deny completely... parang ang showbiz naman.

“Pero with this one, I just want to be low-key.”

Talagang may ganun siya ngayon na protektahan anumang meron sila?

“Opo,” nakangiting sagot niya.

“Nagtatrabaho na po kami sa industriya. Hindi na po namin kailangan.”

Natawa naman si Gabbi nang tanungin kung nadala ba siya sa dati.

“Natuto lang!” natatawa niyang sagot.


Stories We Are Tracking

Kapamilya actor Khalil admits dating Kapuso actress Gabbi
Kapamilya actor Khalil admits dating Kapuso actress Gabbi
Khalil Ramos posts date photo with Gabbi Garcia
Khalil Ramos posts date photo with Gabbi Garcia

LESSONS AFTER GABRU TANDEM

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabbi sa taping ng bago nitong prime-time series na Pamilya Roces, na ginanap sa Pampanga City. 

Sa seryeng ito ay hindi na kasama ni Gabbi ang kanyang former love-team partner na si Ruru Madrid.

Marami sa kanilang fans ang nalungkot na nabuwag na ang tambalang GabRu. Ngunit may mga umuunawa at natitira pa naman daw silang loyal supporters. 

Ayon kay Gabbi, “So far, meron pa rin po.

"Pero so far, mostly po, mga fans po sila na umiintindi na.

“May time na siyempre, I would also understand their feelings. Pero at least now, they understand. 

“Slowly, parang dahan-dahan nilang naiintindihan ang sitwasyon.”

Hiwalay na talaga sila ni Ruru as a love team?

“For now, yes,” tahasan niyang sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We had our fair share na rin po of working together.

"Siyempre, I would also want to explore rin po and grow."

Okay ba sila ni Ruru?

“Okay naman po. Kapag nagkikita naman po kami, okay naman,” sagot ng Kapuso actress.

Marami ring kinaharap na mga isyu sina Gabbi at Ruru habang nung sila ay magkatambal pa, at kahit noong sila ay nagkanya-kanyang landas na. Ang ilan sa mga ito ay naglagay pa kay Gabbi sa negatibong posisyon.

May natutunan o naging realization ba siya sa mga nangyari?

“Marami akong natutunan,” sagot ni Gabbi.

“I learned how to dig up the more stronger woman’s side of me. Natuto ako kung paano tumayo sa sarili kong paa.

"And it’s not being selfish naman, but you should always have to understand yourself and to love yourself."

Saan siya pinaka-naapektuhan?

“A lot,” pag-amin ni Gabbi.

“There was this time na I’m really frustrated po.

"All these negative things was thrown to us and lahat ng accusation sa akin. I got really frustrated... bakit?

"Ako pa yung hindi nagsasalita masyado. Ako yung hindi palaging nai-interview. Ako yung tahimik, pero lahat pa rin...

"Well, siguro yun din, kasi hindi ako nagsasalita kaya ang tingin sa akin ng iba, kontrabida.

“But I know what really happened. And wala naman akong ikaka-guilty.

"And lahat naman po ng nakakakilala sa akin talaga, they know me naman."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN