Andre Paras speaks up about rumored rift with brother Kobe

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Andre Paras on younger brother Kobe: "No, we're okay, I heard that too. But there's nothing bad. Pinagtawanan lang namin yung mga issues na, 'What?' Like, binabasa namin nang sabay. Hindi lang kami nagpu-post sa social media. Porke't wala sa social media, hindi okay?"


“We’re okay, we’re fine,” ang mabilis na sagot ni Andre Paras nang kumustahin sila ng kapatid na si Kobe Paras. 

“Eto, magka-text nga kami. He’s asking where I am,” lahad pa ng Kapuso actor-TV host nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng finale ng The Clash sa GMA Network Center noong nakaraang linggo.

Mayroon kasing isyu na nag-iba na diumano ang closeness nilang magkapatid at nagkaroon sila ng tampuhan.

Lalo na't madalas na nakikita si Kobe kasama ang kanilang ina na si Jackie Forster at ibang mga kapatid nila noong nandito sa Pilipinas ang dating aktres. 

Ngunit diin ni Andre, “We’re okay, hanging out a lot kahit busy siya sa school at basketball.”

Pero inamin ni Andre na hindi na sila magkasama sa bahay dahil sa dorm na nakatira si Kobe, na kasalukuyang nag-aaral at naglalaro para sa basketball team ng University of the Philippines.

Ayon pa kay Andre, “Maaga training nila kaya doon na siya.

"At least, mas malapit na sa school, hindi na hassle for him to go there."

Binigyang linaw ni Andre ang lumabas na isyu na nagkatampuhan at hindi sila okay ni Kobe.

Saad niya, “No, we’re okay, I heard that too. But there’s nothing bad.

"Pinagtawanan lang namin yung mga issues na, 'What?' Like, binabasa namin nang sabay.

"Hindi lang kami nagpu-post sa social media. Porke’t wala sa social media, hindi okay?

“We don’t need to post anything. It’s funny lang.”

SOCIAL MEDIA

Sila ng mommy niyang si Jackie, maayos din ba ang relasyon nila?

“Yes, we’re okay, we’re all okay, there’s nothing wrong,” sabi ni Andre.

Nagkakausap daw sila ng mommy niya in private at hindi sa social media.

“We just talk privately, I don’t post it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi kapag magpu-post, para sa akin, na-realize ko dito sa industry, the most cherished moments, yung mga...

"Well, it’s nice to get people involved but, you know, buong buhay naman natin, alam nila.

“So I think, there are times na it’s nice to have your own privacy and I’m sure everybody, kahit non-showbiz, they feel the same.”

Sabi pa ni Andre, “Social media is fun. To entertain yourself, connect with the fans and your friends.

"Pero there are parts talaga that have to be yours.

“How can I say this? I think, politics, religion, you have to keep it for yourself lang.”

Parang magkaiba sila ni Kobe ng approach pagdating sa social media?

Pagsang-ayon ni Andre, “Oh yes, he’s more outspoken.

"There’s nothing wrong naman. Wala namang rules ang social media sa ganun.

"It’s up to you kung paano mo gustong i-lead ang mga tao.

"I just hate people who misinterpret it. 

“We’re doing it for the better nga, 'tapos sila, 'Hindi, hindi iyan.'

"Parang mas kilala niyo kami. Pero I understand, there are people like that."

Ayon pa kay Andre, may komunikasyon pa rin sila ni Jackie kahit na nasa London, United Kingdom na ito.

PAMILYA ROCES

Ngayong tapos na ang grand finals ng singing search na The Clash, mapapanood si Andre sa bagong prime-time series ng GMA-7, ang Pamilya Roces, simula sa October 8.

Halatang excited si Andre sa bago niyang teleserye.

Aniya, “Ako po ang adopted son ni Ms. Snooky Serna.

"Adopted son, pero magugustuhan ko si Jasmine [Curtis-Smith].

"Based on the script and all, parang papunta naman dun, so unti-unti."

Siya pala ang unang leading man ni Jasmine sa Kapuso network?

“Maybe, pero nandun din si Manolo [Pedrosa], so baka medyo may pagka-love triangle.

"Pero hindi, e, nandun din si Gabbi Garcia. I don’t know how it’s gonna work out.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre, interesting sa part naming mga bagets.”

Nakilala na raw niya si Jasmine dati, pero ngayon lang sila nagkaroon ng pagkakataong magkatrabaho.

Saad ni Andre, “Yun nga, I’ve met her a few times with common friends, but I never worked with her before.

“I’m happy na ang first show niya rito, kasama po kami.

“And if ever man na kami po ang magkaka-partner, I’m really happy. I know she’s a great actress, amazing host.

“All around, she can do everything.

“'Tapos, marami na siyang training for sure. It’s good to be partnered with the professionals kasi maeengganyo kang magtrabaho nang mabuti.

"Kaya sa mga training namin, kapag kasama ko siya, wow, I look up to her as a veteran already, kasi ang galing na niya.

“Just being partnered with someone who loves their craft talaga, it’s really inspiring and I'm always looking forward to see them.”

Hindi naman ang Pamilya Roces ang unang pagkakataong maidirek siya ni Direk Joel Lamangan.

Naging direktor na raw niya ito sa Viva Films movie na Your Place or Mine.

“First ko lang po sa TV, pero nothing has changed with the way he directed.

"He’s very professional and alam niya ang ginagawa niya. Everyone’s paying attention sa kanya."

Hindi na siya nangangapa?

“Oh no, kasi I know na how kind of director he is. I have full respect and on-time ka palagi.

"Alam ko na ang style niya kaya it’s good na everyone’s professional."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN