Kelley Day opens up about ex-boyfriend Inigo Pascual, transfer to GMA-7

IMAGE Noel Orsal

Kelley Day on breakup with Inigo Pascual: "Parang na-realize namin we've grown and now it's time to keep growing, and this is the way we're gonna grow [by going our separate ways]. It was a little bit hard. I still care about him also."


Wala raw pagsisisi ang dating GirlTrends member na si Kelley Day na lumipat siya sa GMA-7 mula ABS-CBN.

Ang GirlTrends ay ang all-female group na regular na napapanood sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime.

Halos dalawang taon ding nanatili sa grupo si Kelley, isang Filipino-British model-turned-celebrity.

Ang 21-anyos na dalaga ay dating girlfriend ni Inigo Pascual, anak ng Kapamilya matinee idol na si Piolo Pascual.

Pumirma ng kontrata sa GMA-7 si Kelley noong March 2018.

Una siyang napanood bilang Kapuso sa dating prime-time series na That One That Got Away (TOTGA), ka-partner si Migo Adecer.

Gaya ng kanyang rason kung bakit siya umalis sa GirlTrends, nais daw ni Kelley na makagawa ng sariling pangalan at hindi lang makilala bilang ex-girlfriend ni Inigo.

Gusto raw niyang mapansin siya sa kanyang pagpupursigi, kagaya na lamang ng pag-aaral niya ng Tagalog.

Saad ni Kelley, “But a lot of times, I’m asked about Inigo.

"But that’s how it is talaga, I understand.

"It’s up to me to really push myself para, one day, that won’t be what I am anymore."

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kelly sa press conference ng upcoming anime series sa GMA-7, ang Barangay 143, kahapon, October 3.

THE BREAKUP

Ayon kay Kelley, anim na buwan nagtagal ang relasyon nila ni Inigo.

Mutual decision daw ang kanilang paghihiwalay.

Sabi pa niya, “I learned so much from him.

"That time, I was still new in the industry and, I think, the time na we had a relationship, we actually helped each other, parang we grew together.

“Then, parang na-realize namin we’ve grown and now it’s time to keep growing, and this is the way we’re gonna grow [by going our separate ways].

“It was a little bit hard. I still care about him also.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibinahagi rin ni Kelley ang natutunan niya kay Inigo.  

“If you just follow your passion, you stick to what you want to do with your career, you will achieve it.”

Masaya raw si Kelley para kay Inigo na unti-unti nang may napapatunayan bilang singer.

“Right after nung sumikat na siya, yung song niya ['Dahil Sa’yo'] it was his passion… he wasn’t just Piolo’s son anymore. Now he’s Inigo Pascual.

"If I see, like, a billboard or something, and it’s Inigo Pascual, I’m so happy for him.”

Para kay Kelley, "good decision" ang kanilang paghihiwalay.

TRANSFER TO GMA-7

Ikinuwento rin ni Kelley ang dahilan ng pag-alis niya sa GirlTrends.

"I decided na parang iba na ang gusto kong gawin sa career ko.

"I super appreciate yung opportunity na naging part ako ng GirlTrends.

"Kasi, that really built my confidence, it improved my dancing skills, I made friends, I learned a lot about the industry of showbiz.

“Nung in-absorb ko na yun lahat, parang na-realize ko na now it’s time to use what I learned and bring it to a different path, that’s why I decided to resign from the group.”

Dumaan daw siya sa panel screening sa GMA-7 at hindi basta nakapasok lang.

Kaya naman laking tuwa ni Kelley nang mabigyan siya ng chance na makasama noon sa TOTGA.

Umaasa rin si Kelley na magtutuluy-tuloy ang pangarap niyang makagawa ng sariling pangalan.

“Because I’m hoping nung lumipat ako, was that I would not just be GirlTrend Kelley anymore, parang I want to be Kelley Day.

"That was really my goal… to create my own individual image.

"So, I think yun po ang nangyari sa GMA. It’s still developing pa.

"If I get noticed in the mall, when I’m out, ‘You’re Kelley from TOTGA.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sometimes, parang sabi dati ng mga tao, ‘Ikaw yung isang GirlTrend. Sino ka?’

"Parang ganun, they don’t know me individually.

“That’s why I’m proud of the change of the image.”  

Sa ngayon, ang pagiging voice talent ni Kelley sa anime series na Barangay 143 ang pinagkakaabalahan niya.

Pero umaasa siyang mabibigyan pa ng kasunod na project.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN