Ruru Madrid reveals real score with Maureen Wroblewitz

IMAGE Noel Orsal / @mauwrob on Instagram

Ruru Madrid tells whether he really followed Eat Bulaga! co-host Maureen Wroblewitz to London, United Kingdom.


Nagsalita si Ruru Madrid sa tunay na estado ng relasyon nila ni Maureen Wroblewitz, ang Asia’s Next Top Model Cycle 5 grand winner at ngayon ay Eat Bulaga! co-host na rin.

Noong nakaraang linggo, naisulat ang diumano’y pagsunod ni Ruru, 20, sa Filipino-German model sa London, United Kingdom. 

Nagtungo ang dalaga sa Europe para sa kanyang work commitments.


Stories We Are Tracking

Maureen Wroblewitz denies Ruru Madrid visited her in London
Maureen Wroblewitz denies Ruru Madrid visited her in London

Pero itinanggi ito ng Kapuso actor nang eksklusibo siyang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng upcoming anime series sa GMA-7, ang Barangay 143, nitong Miyerkules, October 3.

Saad ni Ruru, “Hindi po totoo yun kasi nung time na nagpunta siya sa Europe, dapat yun din ang time na pupunta din ako.

“So sabi ko sa kanya, if ever na makasunod ako diyan, magkita kami dun. Kasi siyempre magkaibigan naman kami.

“Parang wala namang masama kung magkikita kami.

“Pero hindi po natuloy yun gawa ng tuluy-tuloy yung projects.

“Kumbaga, hindi na natuloy yung pag-iibang bansa at bakasyon ko.”

REAL SCORE

Inusisa rin ng PEP.ph si Ruru kung nagdi-date ba sila ngayon ni Maureen.

“Right now, no. I think the last time I saw her was nag-guest siya sa Sunday PinaSaya, yun na yung last.

“Pero ngayon kasi, hindi na rin kami masyado ring nakakapag-usap.

“Kumbaga, every time na magpu-post siya, magko-comment lang ako or magse-send ako sa story niya, ganyan.

"Pero hanggang dun lang."

Hindi ba sila nagtatawagan o nagkaka-text-an?

“Right now, no. Kumbaga, bihirang-bihira na kami mag-usap talaga.

“Pero siguro we’re both busy naman talaga. We’re doing things na magkaiba talaga.

“Kumbaga, siya, I am very happy na she’s part of Eat Bulaga! right now, and I’m doing something else, so okay naman po yun.”


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN