Juancho Trivino on bashers: "If they want to judge me, they're free to do so."

by Rachelle Siazon
Oct 4, 2018
Juancho Trivino on being single: "I want to give this time, this year and probably next year, sa sarili ko muna. Kailangan ko muna mag-focus sa sarili ko before anything else."

Aminado si Juancho Trivino, 25, na hindi maiwasang ulanin siya ng pambabatikos ng netizens dahil sa mga kontrobersiyang kinasangkutan niya ngayon taon.

Una na rito ang pagtutol ng fans sa espekulasyong may ugnayan sila ng kaibigan at dating Destined To Be Yours co-star niyang si Maine Mendoza.

Sabi ni Juancho, “Well, nakikita ko yung sinasabi nila about me. Pero I don’t let it affect me.

“If they want to judge me, they’re free to do so.

“Kasi siyempre, wala naman sila makukuha kung anong sabihin nila sa akin.

“Sanay ako dun, e. Taga-showbiz ako, e.”

Huwag lang daw talagang idadamay ang kanyang pamilya.

“My mom is a teacher. My sisters are all working in good companies.

“Dun lang ako naaapektuhan. Siyempre hindi naman sila sanay sa ganun.”

Hindi raw siya magpapatinag dahil alam niya sa sarili kung ano ang totoo.

"The people close to me naman know what's up with me and know how I am as a person.

Continue reading below ↓

"Yun lang ang pinanghahawakan ko."

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Juancho pagkatapos ng presscon ng pelikulang Wild and Free, sa Valencia Events Place sa Quezon City, noong September 25.

September 30 nang dagsain muli ng bashers si Juancho dahil sa viral videos, kung saan tinutukso siya ni Archie Alemania kay Maine.

Nagmula ito sa Instagram Stories ni Archie, na todo sa pangungulit sa umano’y “smooth-sailing relationship” nina Juancho at Maine.

Ang tanging reaksiyon ni Juancho ay pagtawa, pagtakip ng mukha, at pag-iling, base pa rin sa kumalat na videos ni Archie sa social media.

STILL SINGLE

Ngunit sa naunang panayam ng PEP.ph, sinabi ni Juancho na matagal na siyang single mula nang maghiwalay sila ng kanyang non-showbiz girlfriend noong nakaraang taon.

Sabi ni Juancho, “Right now I’m single. I’ve been single for 11 months na rin, medyo matagal na.”

Wala pa raw sa isip niyang pumasok ulit sa relasyon.

Continue reading below ↓

“I want to give this time, this year and probably next year, sa sarili ko muna.

“Kailangan ko muna mag-focus sa sarili ko before anything else.”

Posible bang taga-showbiz ang susunod niyang ligawan?

Sagot ni Juancho, “Actually, it crosses my mind also.

“Hindi ko alam kung nagkaroon ako ng next na ka-love team, na mabuhos ko yung efforts ko sa kanya to make the love team work.

“Pero sa ngayon kasi, I don’t close the door to anyone.

“Posible naman na ang maging next girlfriend ko showbiz naman.”

WORK AND SCHOOL FIRST

Sa ngayon, trabaho at pag-aaral daw muna ang inaatupag ni Juancho.

Fourth year na niya sa kursong Business Management sa De La Salle University sa Taft, Manila.

Kahit na patigil-tigil ay mapagtutuunan niya muli ito ng pansin dahil katatapos lang ng GMA-7 prime time series na Inday Will Always Love You.

Abala rin daw siya sa sa weekly Kapuso gag show na Bubble Gang at hosting stint sa Unang Hirit.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Juancho Trivino on being single: "I want to give this time, this year and probably next year, sa sarili ko muna. Kailangan ko muna mag-focus sa sarili ko before anything else."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results