Romnick Sarmenta, Harlene Bautista call it quits after 19 years of marriage

IMAGE Noel Orsal / FM Ganal

Celebrity couple Romnick Sarmenta and Harlene Bautista have issued a joint statement to announce their decision to part ways after 19 years of marriage.


Hiwalay na sina Romnick Sarmenta at Harlene Bautista pagkatapos ng halos 19 taong pagsasama bilang mag-asawa.

Ito ang ipinaabot na balita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng isang malapit na tao sa mag-asawa nitong Huwebes ng gabi, October 4.

Hindi nagbigay ng detalye ang PEP.ph source kung ano ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Ngunit sa pamamagitan ng joint statement, kung saan nabigyan ng kopya ang PEP.ph, kinumpirma nina Harlene at Romnick ang desisyon nilang maghiwalay.

Kasabay nito ang pakiusap na igalang ang kanilang privacy.

Hindi rin sila nagbigay ng detalye, ngunit tiniyak nilang mananatili silang "great friends."

Narito ang kabuuan ng kanilang statement:

"An appeal for privacy

"Romnick and I have five beautiful children, whom we love and treasure very much - we have spent many years together as best friends and partners in everything that we have done.

"Even more so in raising our family.

"We will always be great friends if not the best of friends.

"With the greatest respect and mutual love, wanting nothing but happiness for each other we have decided to part ways.

"We would like to appeal for privacy, for our children and for each other as well.

"Being public figures, we know that this will not go unnoticed—and we didn’t want speculations, rumours and gossips to destroy the wonderful memories we share, the peace that we continue to have as best friends.

"We both decided that it would be best to issue a statement, in an intention to let this be the first and last time that we talk about it.

"Neither he nor I wish to speak at length about the matter, seeing as to how we had been able to keep the fact for as long as we have.

"We request that our individual supporters, friends and family refrain from making comments or issuing statements that may hurt or offend not only ourselves, but most importantly our beloved children.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We thank you, for the prayers and support— and most of all for respecting our wishes.

"God bless you."

Tatlong beses ikinasal sina Romnick at Harlene.

Una, sa isang civil wedding ceremony noong 1999.

Sumunod sa isang church wedding noong 2000 sa may U.P.

At pangatlo, sa Las Vegas, Nevada noong 2002 bilang renewal of vows.

Unang nagkakilala ang dalawa sa set ng sikat na palabas noong That's Entertainment.

Mas nakilala ang tambalang Romnick at Sheryl Cruz noon ngunit ang nagkainlaban sa totoong buhay ay sina Romnick at Harlene.

Sabi pa ni Harlene sa PEP.ph noon kung bakit tumagal ang kanilang samahan, "Siguro dahil we married for the right reason—na gusto namin na kami na yung magkasama habambuhay, hanggang pagtanda."

Sa huling panayam naman kay Romnick sa PEP.ph noong Hulyo 2018, walang pahiwatig ang aktor na may problema ang pagsasama nila ni Harlene.

Kuwento pa nga ng dating matinee idol, wala silang malaking pinagtatalunan ng asawa kundi petty fights lamang na naaayos din kaagad.

Hindi rin daw sila yung tipong may pinagseselosan sa isa't isa.


Stories We Are Tracking

Romnick Sarmenta closes doors to politics
Romnick Sarmenta closes doors to politics
Harlene Bautista-Romnick Sarmenta marriage going strong
Harlene Bautista-Romnick Sarmenta marriage going strong
<p>Harlene Bautista feels blessed to be married to Romnick Sarme

Harlene Bautista feels blessed to be married to Romnick Sarme

<p>Romnick Sarmenta on marriage: “Maging totoo ka sa a

Romnick Sarmenta on marriage: “Maging totoo ka sa a



ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN