Andre Paras remains close to brother Kobe despite rumored rift

IMAGE Noel Orsal

Andre Paras strongly denies rift with younger brother Kobe Paras: "Hindi naman kami nag-aaway, okay naman kami."


Aminado si Andre Paras na tuwing haharap siya sa media ay hindi nawawala ang tanong tungkol sa kanyang pamilya.

Lalo na't nakipag-ayos na sila ng kanyang nakababatang kapatid na si Kobe Paras sa kanilang ina na si Jackie Forster pagkatapos ng maraming taon.

Paano hina-handle ni Andre ang mga sensitibong katanungan pagdating sa kanyang pamilya?

Tugon ng 22-year-old Kapuso host-actor, "Well, ang daming tanong tungkol diyan, so if our family, which is…

"Well, recently may lumabas na article, ‘Andre, Kobe Paras iklinaro sa mga tao na di sila magkaaway.’

“Okay naman kami, pinagtatawanan na lang namin yung mga isyu na ganun, kasi never naman kami nag-away ni Kobe.

“I mean, siguro nung bata kami, normal iyan sa mga bata.

“Pero to the point na hanggang ngayon, e, wala namang ganun, e, kasi kumbaga, siya yung pinaka-best friend ko, e.

“Never kami nag-away. Never kami nagtampuhan.

"Kung nagtampuhan man kami, mga isang oras lang, so yun lang.

“So, hindi naman kami nag-aaway, okay naman kami.”

UNFOLLOWED?

Isa ring isyung pinag-uusapan ng netizens ay ang pag-unfollow niya sa Instagram account ni Kobe.

Bakit niya ito ginawa?

Paliwanag ni Andre, “I mean, I understand ganun [may mga magtatanong]. Kasi, accidentally na-unfollow ko.

“Pero meron kaming mga private accounts. I mean, marami, uso na ngayon yun, e, private accounts.

"So, dun kami nagpa-follow, nag-a-a-update sa social media, personal life.

“Pero [ngayon], nagpapa-follow naman kami sa public [accounts] para lang mahinto na ang isyu.

“Kasi naawa na kami, parang, ‘Ay naku, ayaw nila tayo tantanan,’ so inayos lang namin.

“Pero yun lang, okay naman kami, hindi kami magkaaway, magka-text nga kami ngayon.”

Naapektuhan ba silang dalawa sa mga pang-iintrigang ito ng netizens?

Sagot niya, “Never, wala naman.

"Naano lang ako, ayaw ko lang ma-misunderstood ng mga tao na magkaaway kami.

“Okay na okay na kami, ever since na nagsimula yung issue.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andre sa grand mediacon ng Pamilya Roces noong Miyerkules ng gabi, October 3.

BLESSED CAREER

Sunud-sunod ang proyekto ni Andre sa GMA-7.

Katatapos lang ng The Clash noong nakaraang Linggo, September 30, at kasama naman siya sa bagong prime-time series ng Kapuso Network, ang Pamilya Roces.

Sabi niya tungkol dito, “Sobrang thankful and gagawin ko naman ang lahat na ipapagawa sa akin.”

Sa Lunes, October 8, na mapapanood ang Pamilya Roces sa GMA Telebabad.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN