Cristine Reyes on persistent rumors about separation from Ali Khatibi: "Deadma."

IMAGE PEP File / @mralikhatibi on Instagram

A PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) reliable source says Cristine Reyes and Ali Khatibi have been separated for a few months now because of unclear reasons. 


Nagsimula sa isang dasal sa Instagram ang alingasngas tungkol sa hiwalayan diumano ng mag-asawang Cristine Reyes at Ali Khatibi.

Noong nakaraang January 8, 2018, ipinalangin ng aktres na sana raw ay protektahan ng Diyos ang pagsasama nila ng kanyang mister.

Nakasaad sa dasal ni Cristine, "Dear God, I pray for my marriage right now.

"Please guard my relationship with my husband and protect us against elements that tempt or taunt us to ruin what we have.

"Convict our hearts when we are wrong or un-righteous, fill us with a passion to get better and bless us with a deep love for each other in Jesus name AMEN."

 IMAGE Courtesy: @mrscristinekhatibi on Instagram

Sinagot naman ito ni Ali, kung saan sinabi niyang hanggang sa kanilang pagtanda—maski na pareho na silang may kulubot sa mukha—ay hindi magbabago ang pagmamahal niya sa asawa.

Sabi pa ni Ali, "I vow to still grab your butt even when you're old and wrinkly."

Pagkatapos nito ay hindi na nakita ng publiko na nag-post ang dalawa na magkasama sa anumang larawan sa kani-kanilang social media accounts.

Ikinasal sina Cristine at Ali noong January 27, 2016 sa isang civil ceremony sa Balesin Island Club sa Polilio, Quezon.

May isa silang anak na babae, si Amarah.

 IMAGE Courtesy: Ara Mina

CRISTINE DENIES SEPARATION

Noong March 22, 2018, eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cristine kung saan pinabulaanan niya ang balitang hiwalay na sila ni Ali pagkatapos ng dalawang taon bilang mag-asawa.

Pahayag niya, "Actually, di ko alam kung bakit siya naging isyu.

"Kasi, actually, I just got it [IG post] from Pinterest, so parang... I don't know why people made a big deal out of it.

"So, deadma. Ako naman si deadma."

Ang Pinterest ay isang web at mobile app.

Diin pa ng StarStruck alumna, "We're fine.

"We're both working and, yeah, taking care of our daughter."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CRISTINE UNFOLLOWS ALI ON INSTAGRAM

May 15, 2018, mas lalo pang umingay ang balitang hiwalay na ang dalawa dahil sa pag-unfollow ni Cristine si Ali sa Instagram.

Noong Mother's Day, makikitang si Cristine lamang ang kasama ng anak nila ni Ali na si Amarah na nasa beach.

Kasunod nito, nakausap ng PEP.ph ang kapatid ni Cristine na si Ara Mina sa presscon nito para sa kanyang fun run.

Dito ay inusisa namin si Ara tungkol sa balitang hiwalay na sina Cristine at Ali.

Saad ng aktres, "Well, nag-text ako, hindi niya ako sinagot. Sabi ko, hindi ko muna kukulitin.

"Oo, pag ganun... may dalawa kasi akong tanong, e—about our family outing at yung tinanong mo sa akin.

"Ini-skip niya yun at ang sinagot niya, yung family outing."

Noong nakaraang Marso, nag-bonding sina Ara at Cristine kasama ang isa pa nilang kapatid na babae sa Boracay.

Hindi kasama rito si Ali.

Paliwanag ni Ara tungkol dito, "Hindi, kasi girls ano kasi yun, kaya wala rin yung asawa nung isang sister ko."

Wala ba talaga siyang nararamdaman kung may problemang itinatago si Cristine?

Aniya, "Wala naman. Normal naman dati na nag-share siya na nagkatampuhan sila, 'tapos naayos naman.

"Pero nung Boracay naman, wala naman siyang nai-share."

STILL ELUSIVE ABOUT THE RUMOR

Naging mailap din si Cristine sa reporters nang dumalo siya sa 49th Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Box Office Entertainment Awards noong May 20.

Dumalo siya sa event para tanggapin ang Movie Supporting Actress of the Year award para sa pelikulang Seven Sundays.

Sa video na in-upload ng ABS-CBN News, makikitang pagdating pa lamang niya sa venue ay tila hindi na kumportable si Cristine sa sumalubong sa kanyang media.

Tanong pa niya sa press, "Ambush? Ayaw ko sanang magpa-interview."

Hunyo ngayong taon, mag-isa lang na nag-celebrate ng Father’s Day si Ali kasama ang anak na si Amarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman nagtanong ang ilang netizens kung nasaan si Cristine.

Nitong Setyembre, sa presscon ng pelikulang Abay Babes, muling natanong si Cristine tungkol sa kanilang sitwasyon ng asawang si Ali.

Ngunit nanatiling safe ang aktres sa kanyang kasagutan tungkol dito.

Sagot niya, kahit hindi man niya direktang tinukoy ang asawang si Ali, "Okey naman po.

"Tahimik naman po ang buhay ko. Maayos naman ang lahat."

SEPARATION CONFIRMED?

Dahil sa pagiging mailap ni Cristine at walang direktang sagot sa mga katanungan ng press, mas lalong lumakas ang espekulasyong hiwalay na sila ni Ali.

Nito lang nakaraang linggo, muli na namang lumabas ang balitang hiwalay na talaga sila.

Ayon sa kumalat na balita, ilang buwan nang hiwalay ang dalawa, pero tahimik lang daw ang magkabilang kampo.

Nangalap ng impormasyon ang PEP.ph tungkol dito mula sa mga taong nakakakilala sa dalawa o may impormasyong makapagkukumpirma sa balitang ito.

May ilan sa kanila ay nagsabing wala silang alam ukol dito at ang iba ay nanatiling tikom ang bibig tungkol sa isyu.

Ngunit, may isang taong nakakakilala sa dalawa na nagpaunlak ng ilang katanungan mula sa amin.

Ayon sa source, hiwalay na sina Cristine at Ali bago pa man ang Boracay bonding ng magkakapatid na sina Ara, Cristine, at Heidi Gatmaitan noong Marso.

Bukod sa magkakapatid, kasama rin ng tatlo ang kani-kanilang mga anak.

May ilang detalye pang ibinahagi ang source sa PEP.ph, katulad ng hindi diumano pabor ang ina ni Cristine kay Ali at ang hindi pagkakaroon ng stable job ng mixed martial arts artist.

Ngunit, diin ng source, walang third party sa kanilang hiwalayan.

Hindi alam ng aming source kung nakapag-file na ng legal separation o annulment of marriage si Cristine, pero binalak na raw ito noon ng Viva artist.

Nagpadala na ang PEP.ph ng mensahe kina Ali at Cristine sa pamamagitan ng direct messaging sa kani-kanilang Instagram accounts, ngunit hindi pa sila sumasagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpadala na rin kami ng text message sa handler ni Cristine sa Viva Entertainment, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ito tumutugon sa aming mensahe.

Hiningan din namin ng pahayag si Cristine, sa pamamagitan ng kapatid niyang si Ara  noong October 5.

Pero ang tanging sagot lamang daw ni Cristine kay Ara ay "Deadma."

Gayunpaman, mananatiling bukas ang PEP.ph sa maaaring ihayag nina Cristine at Ali tungkol dito.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN