Kris Aquino opens up about current relationship with Mayor Herbert Bautista: "Nandito sya ngayon"

IMAGE Kris Aquino Instagram

Kris Aquino reveals one conversation during a fight with Mayor Herbert Bautista which she asked: "naging 1st daughter & 1st sister na ko- di mo ba na appreciate na ikaw ang minahal & di yung posisyon mo?" According to Kris's Instagram post, Herbert's answer was, "kaya nga ang hirap mong maging ka relasyon kasi pinaghirapan ko 'to tapos user ang ibabato sa kin?"


Magkasamang nag-dinner si Kris Aquino at Quezon City Mayor Herbert Bautista, ilang buwan matapos mapabalita ang tila hindi nila pagkakaunawaan.

Matatandaang sa huling panayam kay Kris tungkol sa kanyang buhay-pag-ibig noong June 2018, malalim ang mga naging hugot na pahayag ni Kris sa press conference ng pelikula niyang I Love You, Hater.

Sa bandang huli ay in-identify din ni Kris na si Mayor Herbert ang pinapatamaan niya sa kanyang mga parinig.

Subalit sa kanyang Instagram post ngayong gabi, October 7, mukhang nagkaayos na ang dalawa at nanatiling magkaibigan.

Makikita sa litratong kanyang ipinost na magkatabi sila ni Herbert, at kasama nila sa mesa ang dalawa pang kaibigan.

Sa caption ni Kris, ikinuwento niya ang ilan sa mga pangyayari sa buhay nila ni Herbert at kung paano sila nanatiling magkaibigan.

Saad ng actress/TV host/influencer, "Admittedly in 2014 HAPPILY EVER AFTER wasn’t meant for us. BUT it wasn’t THE END.

"He’s been there whenever i needed a friend, hindi na ko nagulat- nandito sya ngayon... Bakit sya? This is my WHY: nabasa nya mismo my long term endorsement contracts- renewals plus 3 new ones.

"They all strongly discourage me from divisive political participation & even posts. He wants me to regain my health & he supports my priorities."

Nitong mga nakaraang linggo ay inihayag ni Kris ang diumano'y panlolokong ginawa ng taong namamahala sa kanyang production company at endorsement deals.

Sumailalim din si Kris sa medical tests sa Singapore dahil sa pagbagsak ng kanyang timbang at iba pang health concerns, dulot ng kanyang pinagdadaanang problema. Subalit sa kasalukuyan ay nakabalik na siya sa Pilipinas at handa nang magbalik trabaho.

Sa kanyang Instagram post ay ibinunyag din ni Kris na nagkaroon ng pagkakataong nagkasumbatan sila ni Herbert.

Patuloy niya, "Ako nang magsasabi, when we fought nasumbat ko na: naging 1st daughter & 1st sister na ko- di mo ba na appreciate na ikaw ang minahal & di yung posisyon mo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Binweltahan nya ko: kaya nga ang hirap mong maging ka relasyon kasi pinaghirapan ko ‘to tapos user ang ibabato sa kin?

"I chose to share this because our story has my perspective & his point of view. i’ve survived a lot recently & you deserve our TRUTH."

Naka-off naman ang comments section sa post ni Kris.


Stories We Are Tracking

Kris set to return to work; refuses to name financial abuser
Kris set to return to work; refuses to name financial abuser
Kris on slimmer figure: Mayor, this is what you're missing.
Kris on slimmer figure: Mayor, this is what you're missing.
Kris Aquino and Herbert Bautista not on good terms again?
Kris Aquino and Herbert Bautista not on good terms again?
Kris reveals Herbert proposed and gave her a diamond ring
Kris reveals Herbert proposed and gave her a diamond ring


ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN