Mika dela Cruz admits being courted by Nash Aguas

IMAGE Noel Orsal

Mika dela Cruz on suitor Nash Aguas: "Matagal ko na siyang kilala and magkababata kami. Wala naman akong kailangang i-rush or isipin na baka maghanap ng iba, wala naman. Masaya lang."


Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), hindi pinangalanan ng Kapuso young actress na si Mika dela Cruz ang Kapamilya young actor na nanliligaw sa kanya ngayon.

Pero sinabi nitong marami na ang nakakaalam kung sino ang manliligaw niyang ito.

Base sa mga clue na ibinigay mismo ni Mika at ayon sa iba pang sources, napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ang kanyang tinutukoy ay si Nash Aguas.

Parehong nagsimula sina Mika at Nash bilang child stars sa bakuran ng ABS-CBN, kung saan nagkasama sila sa kiddie gag show na Goin’ Bulilit.

Ayon kay Mika, mahigit isang taon nang nanliligaw sa kanya ang Kapamilya actor, na gaya niya ay 19 years old pa lang.

“Kababata ko po. Six years old pa lang, sinasabi na niyang crush niya ako!” natatawang sabi ng dalaga.

Kilalang istrikto sa mga lalaking nagkakaroon ng interes kay Mika ang kanyang kapatid na si Angelika dela Cruz.

Pero sa lahat daw, si Nash lang ang pinayagan ng ate niyang manligaw sa kanya.

“Kilala niya kasi simula bata!” natatawang paliwanag ni Mika.

Anong dahilan at hindi pa niya ito sinasagot?

“Wala po, kumbaga, I’m taking my time po.

"Kung sakali po kasi, first boyfriend ko siya. So, sinisigurado ko muna.”

Inamin din ni Mika na okay sa kanya si Nash at binigyan niya ito ng pag-asa.

Sabi niya, “Matagal ko na siyang kilala and magkababata kami.

“Wala naman akong kailangang i-rush or isipin na baka maghanap ng iba, wala naman. Masaya lang.”

PAMILYA ROCES

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mika sa grand media conference ng bagong prime-time series ng GMA-7 na Pamilya Roces noong nakaraang linggo.

Paglalarawan niya sa kanyang role, “Ako po rito si Donatella Rosales.

“Best friend kami ni Gab [Gabbi Garcia], pero siyempre wala namang best friend na walang hidden interest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Akala niya best friend kami, pero gina-grab ko yung e-mail niya. Pailalim.

“Eventually, lalabas ang ugali.”

Kontrabida siya sa Pamilya Roces at wala raw isyu sa kanya ito.

Saad ni Mika,“Okay lang sa akin, oo naman!

“At saka ako naman, wala naman akong pinipiling role.

“Kaya kong pagandahin kahit anong ibigay sa akin.

“Kahit ano namang role na ibigay sa iyo, depende naman sa iyo kung paano mo mapapaganda ang role mo, e.”

Mula nang lumipat siya sa Kapuso network mula sa Kapamilya, puro supporting roles pa lang ang nagagawa niya.

Noong bagong lipat siya mula sa ABS-CBN, isa sa gusto niyang gawin ay makapag-lead.

Okay lang talaga siya?

“Yes,” mabilis na sagot ni Mika.

“Marami naman akong ginagawa aside sa showbiz. Hindi ko naman ito inaasahan.

“I mean, kung yun ang meron, okay lang naman.

“Although, alam ko naman na kaya ko kung sakali at bibigyan ako ng bida.

“But okay naman po, so far.”

Walang pagsisi sa naging desisyon niyang lumipat?

“Wala, wala talaga,” diin niya.

“Fourteen years ako sa ABS. Nagbida rin naman ako, nagkaroon ako ng award.

“Marami naman akong nagawa and happy naman ako sa career ko.

“Kung ano ang meron ako ngayon, wala akong ire-regret.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN