Film director Samantha Lee opens up about relationship with Mari Jasmine

IMAGE Instagram @givemesam

Indie film director Samantha Lee on Mari Jasmine's coming out and making their relationship public: "Mahaba siyang proseso to get there. Iyan yung isa sa mga sinasabi ko sa mga tao na hindi mo puwedeng pilitin ang isang tao na mag-out. Kailangan nasa sarili nila yun."


Sa unang pagkakataon ay nagsalita ang indie film director na si Samantha Lee tungkol sa relasyon nila ng TV host/model/blogger na si Mari Jasmine.

Naging malaking balita sa loob at labas ng showbiz ang pag-amin ni Mari Jasmine, sa pamamagitan ng Instagram, ng relasyon nila ni Samantha kasabay ng Pride March celebration noong June 30, 2018.

Ito ay dahil unang nakilala ng publiko si Mari Jasmine bilang girlfriend ng Kapamilya actor-singer na si Sam Milby.

Nag-break sina Sam at Mari Jasmine noong September 2017.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Samantha sa grand launch ng QCinema International Film Festival 2018 na ginanap sa Gloria Maris restaurant, Gateway Mall, Quezon City noong Biyernes, October 5, kinumusta namin sa direktor ang relasyon nila ni Mari Jasmine.

“Yeah, we’re going strong… we’re happy,” sagot niya.

Nagningning ang mga mata at napangiti si Samantha sa tanong kung anong meron sa relasyon nila ni Mari Jasmine at pareho silang masaya.

“Love! Love, hashtag love wins!” natatawa niyang tugon.

Ibinahagi rin ni Samantha ang naging pag-amin ni Mari Jasmine ng relasyon nila sa pamamagitan ng social media.

Iyon din ang naging paraan ng dating girlfriend ni Sam na ipaalam sa publiko ang kanyang sexual orientation.

Saad ni Samantha, “Mahaba siyang proseso to get there.

“Iyan yung isa sa mga sinasabi ko sa mga tao na hindi mo puwedeng pilitin ang isang tao na mag-out. 

“Kailangan nasa sarili nila yun.”

Hindi raw mahirap para kay Samantha ang gumalaw sa relasyon nila ni Mari dahil nakasuporta ang mga tao sa paligid nila.

Pahayag ng indie director, “They’ve been really supportive, and the brands that she works with have been supportive.

“And nakakataba ng puso, kasi yung advocacy that I’ve been pushing for is talaga, di ba, is ma-accept yung LGBT, yung community na they see us as people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And to receive that support, para lang siyang affirmation na we’re slowly getting there.”

Nakilala na raw nang personal ni Samantha ang mga magulang ni Mari Jasmine, na based sa Australia.

SAM MILBY

Marami ang nagulat at humusga sa paglalantad nina Samantha at Mari Jasmine sa kanilang relasyon.

Pero ayon sa film director, “Kasi I know the truth, I’ve spoken about the truth, it doesn’t really affect me.”

Wala siyang pakialam sa iniisip at sasabihin ng ibang tao?

Nakangiting sagot ni Samantha, “Happy naman ako, and wala naman akong nasagasaan na tao at wala naman akong nasaktan.

“Alam naman ng mga tao sa paligid kung ano yung true story.

“Wala naman akong pinu-promote nung time na yun. So, ayun.”

Isa sa naging katanungan noong umamin si Mari Jasmine tungkol sa relasyon nila ni Samantha ay kung ano ang naging pakiramdam ni Sam.

Nakapag-usap ba sila ni Sam?

Paglilinaw ni Samantha tungkol sa aktor, “There’s no bad blood between the two of us.

“At wala naman talagang anything wrong. It shouldn’t be an issue.

“Kasi nga, kasi nilalagyan ng malisya ng mga tao na, I think, the three of us, we know what’s the truth.

“So we’re all good.”

Wala rin daw magiging problema kay Samantha kung sakaling idirek niya si Sam sa isang pelikula.

SAME-SEX RELATIONSHIP

Isa sa entries sa QCinema International Film Festival 2018 ay ang pelikula ni Samantha na Billie and Emma.

Kagaya ng una niyang indie film na Baka Bukas (2016), na pinagbidahan nina Jasmine Curtis-Smith at Louise delos Reyes, tungkol din sa lesbian relationship ang Billie and Emma.

Bukod kina Samantha at Mari Jasmine, may iba pang celebrities na umamin tungkol sa kanilang same-sex relationship.

Ang paggawa raw ni Samantha ng mga pelikulang tumatalakay sa ganitong klaseng relasyon ay paraan niya upang makapagpamulat ng kaisipan ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag niya, “May mga artista na LBGTQ-plus, pero medyo takot pa silang mag-out. 

“So, parang kakaiba rin na may film na hindi siya X-rated… 'tapos yung lead niya, out na, proud na lesbian. 

“Di ba, parang it’s refreshing na sana sa future, kung may gay or may lesbian sa showbiz, hindi na sila natatakot for their career na, ‘O, baka masira yung career ko.’

“Parang maging happy na lang kayo, let’s all respect each other, and let’s live truthfully.”

Hindi itinanggi ni Samantha na nagkaroon na rin siya ng relasyon sa isang straight guy.

“Yeah, so that’s why, personally, hindi ako naniniwala sa labels.

“Puwedeng magpalit, when you meet someone, kahit anong gender nila, kung kayo talaga, kayo talaga. 

“So, mas nga… tinanong mo sa film, di ba? 'Bakit si Emma, meron siyang Ryle, ‘tapos meron siyang Billie?'

“Kasi for me, yung mga tao, based yun sa tao, hindi yun sa mga label na bigay sa iyo ng society.”

May posibilidad bang magpakasal sila ni Mari Jasmine?

“Ah, masyadong… sa next film, ganun!” natatawang biro ni Samantha.

Posible bang kunin niyang artista si Mari Jasmine sa mga susunod mong mga pelikula?

Tugon ng direktor, “Hindi… hindi siya nagta-Tagalog.

“Saka may business na siya. Iba yung interest niya.”


Stories We Are Tracking

Sam Milby's ex-GF reveals relationship with female director
Sam Milby's ex-GF reveals relationship with female director
Sam clarifies no overlapping with Mari Jasmin's current GF
Sam clarifies no overlapping with Mari Jasmin's current GF
Sam Milby
Sam Milby "very surprised" by Mari Jasmine's coming out
Mari Jasmine calls out news headlines linking her to ex-BF
Mari Jasmine calls out news headlines linking her to ex-BF


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN