Paul Soriano explains no-show of wife Toni Gonzaga at ABS-CBN Ball

IMAGE Noel Orsal

Director Paul Soriano says he and his wife Toni Gonzaga had to skip the ABS-CBN Ball for a good reason.


Nagpaliwanag ang film director na si Paul Soriano kung bakit hindi nakadalo ang misis niyang si Toni Gonzaga sa ABS-CBN Ball na ginanap sa Makati Shangri-la Hotel noong September 29.

Ang naturang event ay dinaluhan ng halos lahat ng mga artista mula sa Kapamilya Network kung saan kabilang si Toni.

“Actually, it was my son’s birthday, September 30, so we planned a trip to L.A. about a couple of months ago even before the Ball was announced,” lahad ni Paul sa press conference ng upcoming movie na First Love, na pinagbibidahan nina Aga Muhlach at Bea Alonzo.

Ginanap ang presscon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN Compound, Quezon City, nitong Lunes ng hapon, October 8.

Maging si Paul daw ay nasa kasagsagan ng promotion ng kanyang pelikula, pero nagbakasyon kasama ang pamilya para sa birthday ng anak.

"We already planned that we wanna bring Seve to Los Angeles, on his second birthday, so we already planned the trip.

"So even me, like, I’m in the middle of promoting the film, I took a week off to celebrate the second birthday of my son Seve in Los Angeles, where I’m from.

"I wanted to show him where I was born."

BABY PLANS

Samantala, natanong din si Paul kung may balak na silang sundan si Seve.

Sagot niya, “We’re still enjoying, we’re still embracing Seve…

“Wala pang plans, but we definitely want another one.

“But, right now, we’re just enjoying Seve.”

Nangilid naman ang luha ang 36-anyos na direktor nang purihin siya ni Aga bilang isang direktor.

Ang First Love ang kauna-unahang kolaborasyon nina Aga at Paul.

Sa presscon, binanggit ni Aga na may mga naririnig siyang mga negatibong komento tungkol kay Paul bilang isang direktor, pero mas pinili niyang maniwala sa kakayahan nito.

Kaya naman una raw natuwa ang 49-anyos na aktor nang mapiling Second Best Picture at umani ng awards ang Siargao sa Metro Manila Film Festival 2017.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang reaksiyon ni Paul sa papuri ni Aga?

“It was actually quite emotional for me to hear Aga say that because Aga Muhlach, he’s worked with all the great actors, great directors.

"And for him to say, it just kind of reassures that I’m doing something right, that I belong, that there are people who believe in me.

"No matter how many people doubt you, who don’t believe in you, it just takes one person.

"And thank you, Aga, for believing in me.

“It’s emotional [for me] for an Aga Muhlach to say something like that and I’m still kind of taking it all in.

"He believed in me and I believed in him, and it’s because of him this film is being made,” saad niya.

Ipalalabas ang First Love simula sa October 17.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN