Zoren Legaspi still gets mistaken for a student

IMAGE Noel Orsal

Zoren Legaspi still maintains his matinee-idol looks even when his children are now teenagers. The actor talks about instances when people still ask for his ID to prove he's of legal age. 


Bagamat dalaga at binata na ang kambal na anak ni Zoren Legaspi na sina Mavy at Cassy, kapansin-pansing napapanatili pa rin ng aktor ang kanyang matinee-idol looks, pati na rin ang maganda niyang pangangatawan.

Katunayan, hanga kay Zoren maging ang Kapag Nahati Ang Puso co-star niyang si Benjamin Alves.

Nakatutuwa naman ang kuwento ni Zoren tungkol sa mga insidente na napagkamalan siyang bagets.

Lahad ng 46-year-old actor, “Paano nga ba? Well… na-confirm ko iyan, na-confirm ko iyang sinasabi mo nung nasa America kami talaga.

“Dahil ayaw akong bigyan nung... may binibili ako, hindi beer yung binibili ko, e, pero bawal siya sa minor.”

Sila raw ng anak niyang si Cassy ay hinihingan ng ID bago pagbilhan.

“Sabi ko, baka totoo talaga yung sinasabi nilang mukha akong bata?

“Kasi sa America, yun din talaga ang tingin sa akin, medyo bata talaga.

"Kahit nung nag-apply ako ng... kasi may gym dun, so I wanted to workout habang nandun.

“So nag-apply ako. Meron daw silang discount sa, if I have a student ID. Sabi ko, ‘Ha?’”

Ano nga ba ang sikreto ni Zoren sa kanyang ageless looks? 

“Well, it’s not... hindi naman ako... I don’t put so much effort for me to look young.

"Maybe siguro ano lang talaga ako, wala akong mga vices talaga.

"And then, pag may pagkakataon, I try to sleep a lot, ganyan, 'tapos I eat the right food, 'tapos workout.

“Pero ang pinakaimportante kasi diyan, yung problema. Dapat wala kang problema.

"Wala kang stress, wala kang problema.

“Wala kang problema sa family, ganyan, ganun, kaya siguro yun yung pinaka… isa sa mga sikreto.”

BACK TO ACTION FILMS?

Pinagkuwento namin si Zoren ng exercise regimen niya.

“Well, I’m more into cycling, kaya malakas siyang magpapayat.

"'Tapos yung gym kasi, nagdyi-gym ako and also boxing.

“Martial arts, para kasing gusto ko pa rin. Alam mo yung, may itch kang parang gusto mong gumawa ng action movie pa rin?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumikat si Zoren bilang action star noong binata pa siya.

Kabilang sa mga pelikulang nagawa niya ay Baril sa Baril (1997), Elias Marengo: Bayolente (1999), at Markado (1999).

Ani Zoren, “Well, gusto ko, marami nga akong gusto pang gawin, e, marami pa.

“Isa yun. But you know, ang nakakatakot kasi dun, ang pagggawa ng action movie, it’s not that easy.

"Magastos, mahirap, physically challenging, yun ang mga problema.

“‘Yun ang iniisip ko.”

Sa Kapag Nahati Ang Puso, ang pinakamahirap daw na eksenang ipinagawa sa kanya ay noong kinailangan niyang maging shirtless.

Aniya, “Kasi ang tagal ko nang hindi nagshi-shirt off sa TV or sa pelikula.

“Yung mud wrestling na iyan, iyan medyo kinabahan talaga ako diyan. 

"Pero dahil doon ano, nagme-maintain na ngayon ako ng certain weight para just in case sa future paghubadin uli nila ako, medyo ready na talaga ako.”

LIFE STORY

Nakakatuwa rin ang kuwento ni Zoren nang tanungin kung papayag siyang gawin sa Magpakailanman ang kuwento ng buhay niya.

Inalok na raw siya dati tungkol dito.

“Hindi ako pumayag, e.

“Kasi baka mahirapan sila dun sa sequences na tumutulay ako ng madaling-araw sa bakod!

“Nag-o-ober da bakod ako. Hahaha!”

Ginawa raw niya iyon noong mga panahong magkasintahan pa lamang sila ng misis niyang si Carmina Villarroel—umakyat at tumulay sa pader sa bahay nina Carmina sa White Plains.

“Oo, hahaha! Mga ganyan,” ang patuloy na tumatawang kuwento ni Zoren.

“Baka mahirapan sila, e, na ipakita sa Magpakailanman.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN