Aiko Melendez defers plan to run for councilor to support boyfriend's election bid

IMAGE PEP File

Aiko Melendez on postponing plan to run again as councilor in Quezon City: "Mahal ko ang Quezon City, maraming paraan na ako ay tutulong pa din sa abot ng aking makakaya. But for now, I will choose to stand by my man. Because I always believe behind every successful man there is a woman."


Ipagpapaliban muna ng aktres na si Aiko Melendez ang balak na pagtakbo sa 2019 mid-term elections bilang konsehal sa second district ng Quezon City.

Ito ay dahil mas nais daw niyang tulungan sa kampanya ang nobyong si Subic, Zambales Mayor Jay Khonghun.

Balak sana ni Aiko na tumakbo muli sa pagkakonsehal sa Quezon City, ngunit mas mahalaga raw sa kanyang nasa tabi ng boyfriend na si Mayor Jay na tatakbong vice governor ng Zambales sa susunod na halalan.

Miyerkules ng madaling-araw, October 10, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapamilya actress tungkol dito sa pamamagitan ng Viber messaging.

Nagpadala rin siya ng kanyang pahayag kahapon din, ngunit hindi muna niya ito ipinasulat hanggang maging pulido na ang desisyon niyang umatras sa pagtakbo.

Pasok sa Top 6 sa survey si Aiko sa pagka-konsehal sa kanilang distrito, na kanyang pinagsilbihan ng tatlong termino bilang konsehal din mula 2001 hanggang 2010.

Narito ang buong pahayag ni Aiko na ipinadala sa PEP.ph:

“Nitong mga nakaraang araw madami ang nauudyok sa akin, na ako ay bumalik sa pulitika.

“Nakakataba ng puso. Sa paglipas ng ilang taon na pamamahinga sa public service, ako ay naiisip pa din ng mga ka-distrito ko para manilbihan muli sa kanila.

“To be honest I’ve had sleepless nights, I was really considering to run for the right reasons.

“Lalo na nung lumalabas pa din ang aking pangalan sa surveys na ginawa ng mga taga Lungsod Quezon.

“Una dahil 9 years naman akong nanilbihan bilang konsehal ng District 2, Quezon City, pagdating sa papasukan ko hindi ako mababato na hindi ko alam ang aking pinapasukan.

“Mainly because for 9 years, public service became my life. In this field, I have learned so much.

“I have learned to simplify my life and fight for the women.

“Sa mga nakakakilala sa akin alam, nila kung gaano ako ka vocal kapag me nakikitang mali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakataba din ng puso na ang mga taga-supporta at malapit sa ating pangulo ang nakapagsabi na itataas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang aking kamay, bilang simbolo ng kanyang paniniwala sa aking kakayahan.

“Salamat po Mahal na Pangulo. Hindi naman po kailangan suklian ang pangangampanya ko po sa inyo dati ng libre.

“Ngunit meron po talagang panahon kung kailan mas pipiliin niyo ang tahimik na buhay at pagpili na tumayo sa tabi ng aking boyfriend at mga anak sa oras na sa tingin ko mas higit nila akong kailangan.

“Nagkataon din na sa darating na taon marami po na trabaho ang nakalinya sa akin,

“Ayaw ko po ibigay ang oras ko naman sa paninilbiban ng may kahati or hindi buo.

“Tatakbo din po bilang vice-governor ang aking mahal na si Jay Khonghun, sa halos isang taon naming magkasama at magkarelasyon, naikwento niya sa akin ang magagandang plano niya sa kanilang probinsya.

“At naniniwala ako na mas panahon niya at mas nangangailangan ang Zambales ng bagong liderato.

“Mahal ko ang Quezon City, maraming paraan na ako ay tutulong pa din sa abot ng aking makakaya.

“But for now, I will choose to stand by my man. Because I always believe behind every successful man there is a woman.

“Madami na kaming pinagdaanan pareho ni Jay sa buhay, pati kung paano namin pinaglaban kung ano ang meron kami now, and we choose to make our relationship work and I will support him the best way I can.

“No goodbyes, only later! I shall see you all soon after 3 years! Maraming Salamat po.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN