Lotlot de Leon more involved in second wedding than in first

IMAGE Noel Orsal

Lotlot de Leon finds true love and happiness in Fadi El Soury: "You'll gonna love him. Ipinagdadasal ko lang noon na sana meron isang taong ilagay man lang ako sa pedestal, tratuhin talaga ako nang tama. Nahanap ko, naibigay siya sa akin."


Nahaharap muli si Lotlot de Leon sa buhay may asawa ngayong ikakasal na siya sa December 17, 2018 sa long-time partner niyang si Fadi El Soury, isang Lebanese businessman na matagal nang nakabase rito sa Pilipinas.

Wala naman daw siyang nakikitang malaking pagbabago sa kanyang buhay.

Sambit nga ng 47-year-old actress, “Wala naman, ganun pa rin.”

Pero inamin ni Lotlot na kinakabahan siya sa nalalapit na pakikipag-isang dibdib.

“Oo!” malakas niyang halakhak nang makausap ng PEP.ph Philippine Entertainment Portal sa mediacon ng upcoming Kapuso drama series na Asawa Ko, Karibal Ko.

Malaki raw ang pagkakaiba nito sa una niyang kasal sa kanyang first husband na si Ramon Christopher Gutierrez.

Natawa muna si Lotlot at saka nagsalita, “E, kasi, wala naman akong ginawa nun, um-attend lang ako, wala akong choice.

“Kasi 17 lang ako, dumating lang ako, ang daming tao!

“E, di ba, luhaan pa ako pagdating ko? Hahaha!

“E, ngayon, ako yung invitation, from the gown, from the motif... me and Fadi, not only me.”

Hindi raw makararating ang American biological father ni Lotlot sa kanyang wedding.

“I don’t know, kasi he recently had an operation. My three sisters will definitely be here.”

Dadalo rin daw ang pamilya ni Fadi sa kanilang kasal.

Nakangiting sabi ni Lotlot, “Yeah, his mom is coming home.

"His dad is not sure yet, pero yung mga auntie niya, uuwi din."

THE WEDDING ENTOURAGE

May mga nakalaan nang partisipasyon ang mga mahal sa buhay ni Lotlot sa wedding ceremony.

Pagbabahagi niya, “Maid of honor ko, si Matet, si Jessica, si Janine at si Max. Si Diego will walk me down.”

Si Matet ay ang adoptive younger sister ni Lotlot; samantalang sina Janine, Jessica, Maxine, at Diego ay mga anak niya kay Ramon Christopher.

Ang fashion designer na si Sandra Lim ang gagawa ng gown ni Lotlot at ng buong entourage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Laiya, Batangas ang venue ng kasal.

Paliwanag ni Lotlot sa kanyang beach wedding, “Gusto talaga namin dagat so naghanap kami ng resort doon. 

“Nakita namin yung isang resort, yun pala pag-aari ng pamilya ni Pia Guanio.

“It’s a beautiful place that they turned it into an events place, ang ganda nya.”

THE MAN SHE WILL MARRY

Kitang-kita rin ang kaligayahan ni Lotlot sa taong mahal niya.

 IMAGE Instagram

Aniya, “My fiancé na si Fadi, very supportive, you’ll gonna love him. He’s a good person, very down to earth. 

“He’s very supportive of my career. He lets me be my own person.

“Dati ipinagdadasal ko lang noon na sana meron isang taong ilagay man lang ako sa pedestal na, kahit paano, tratuhin talaga ako nang tama.

“And really wish the best for me, respect me, support me. Nahanap ko, naibigay siya sa akin.

“So minsan nga, sinasabi niya sa akin, ‘You know, you doubt yourself more than I… I believe in you more than you believe in yourself.’ 

“He would tell me that, that’s how much he believes in me…

"He appreciates me and he feels that I could do anything.

"Siya yung ganun."

May plano ba sila ni Fadi na magkaanak?

Tugon ni Lotlot, “Minsan napag-uusapan namin, hindi namin alam. Actually, we have not tried.

“But if God will bless us one… but sa amin ngayon, it’s more of the relationship that we have…

“That’s what we’re focused on rather than anything else, yung kaming dalawa at kung anuman yung plano namin for the future.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN