Kris Aquino files qualified theft complaint in 7 cities

IMAGE Cyrus Panganiban / Courtesy: @krisaquino on Instagram

Kris Aquino on filing qualified theft complaint against business associate in 7 cities: "I continue to have faith that the Philippines' justice system will uphold the law with impartiality & fairness."


Naghain ng reklamong qualified theft o pagnanakaw ang TV host/actress/social media influencer na si Kris Aquino laban sa hindi pinangalanang tao, na pinaniniwalaang business partner niya.

Isinumite at sinumpaan ni Kris ang kanyang reklamo sa Quezon City Prosecutor's Office ngayong Biyernes, October 12.

Bukod dito ay naghain din ang kanyang mga legal counsel, sa ngalan niya, ng parehong demanda sa anim na lungsod: San Juan, Mandaluyong, Pasig, Makati, Taguig, at Manila. 

Dagdag ng 47-year-old celebrity, “I continue to have faith that the Philippines' justice system will uphold the law with impartiality & fairness."

Ayon pa kay Kris, dumaan sa proseso ng settlement ang kanyang mga abugado at ang kampo ng kanyang inirereklamo ngunit hindi nagkasundo ang magkabilang partido dahil daw siniraan pa siya ng mga ito.

"My legal teams had met with his representatives in an attempt to settle amicably, but in straight forward language-cumare bears sila.

"My family had advocated for peace BUT the other party failed to even meet us halfway and instead chose to spread malicious lies & falsehoods...”

Sa huli, sinabi ni Kris na hindi siya aatras sa laban na ito.

"I wanted to quietly put this painful chapter behind me... kilala nyo na po ako—hindi ako ang nagsisimula ng away, pero hindi po ako pinalaki para urungan ang pakikipaglaban para sa katotohanan."

Pagtatapos niya, "Sinimulan nyo, kaya tatapusin ko.” 

Labis na ikinadismaya ni Kris ang aniya'y pagsira ng tiwala ng kanyang business associate, kung saan milyones na halaga ng pera ang itinakbo diumano nito mula sa kanyang multimedia company na Kris Cojuangco Aquino Production (KCAP).

Dumaan din daw siya sa matinding depresyon at labis na kalungkutan dahil ang milyones na nawala ay para sa kanyang dalawang anak na sina Joshua Aquino at Bimby Yap Jr.

Sa kabila nito ay hindi kailanman pinangalanan ni Kris at ng kanyang mga abugado kung sino ang tinutukoy niyang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Kris Aquino to
Kris Aquino to "use all legal means" vs man who betrayed her
Kris vows to seek justice against unnamed
Kris vows to seek justice against unnamed "financial abuser"
Sophie confident Kris will overcome financial upheaval
Sophie confident Kris will overcome financial upheaval
Kris Aquino loses weight due to current upheaval
Kris Aquino loses weight due to current upheaval


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN