Diego Loyzaga quashes allegations that Sofia Andres's anxiety attacks caused their breakup

IMAGE Noel Orsal

Diego Loyzaga denies allegations that he broke up with Sofia Andres because of her anxiety attacks: "No, no, of course not. It's horrible if you break up with someone because of a problem like that."

 


Agad na klinaro ni Diego Loyzaga ang espekulasyon ng iba na baka kaya nauwi sa breakup ang relasyon nila ng dating ka-loveteam na si Sofia Andres ay dahil sa pinagdaanang anxiety attacks ng aktres.

Siniguro ng Los Bartados actor na buo ang suporta at pang-unawa niya sa pinagdadaanan ng kanyang ex-girlfriend.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Diego sa nakaraang presscon ng Precious Hearts Romances Presents: Los Bastardos na ginanap sa Dolphy Theater, ABS-CBN compound noong nakaraang Miyerkules, October 10.

Lahad niya, "No, no, of course not.

''It's horrible if you break up with someone because of a problem like that.

''When people have those problems, may pinanggagalingan yun, e.

''Help the person out. Try to make them feel better.”

FRIENDS FOREVER

Ayon kay Diego, noon pa man ay alam niya ang sitwasyong pinagdadaanan ni Sofia, at kahit break na nga sila ay minsang tumawag sa kanya ang ex nang atakihin ito.

Kuwento niya, "I've known it ever since, that's why Sofia and I have a bond that we created for each other.

''I mean, di naman yan mabubura, di naman yan mawawala.

''We understand each other, we still understand each other.

''That's a thing I wanna clear, that we stay friends because if ever you need somebody, I'm still gonna be here for you.

''If ever you are having one of these attacks, call me up.

''She did that one time, she was like, 'Diegs, I need your help.'

''I was there to listen and I will always be there to listen."

Marami sa mga Sofiego (Sofia-Diego) fans ang nalungkot nang mabuwag ang kanilang tambalan.

Para naman sa aktor ay suportado niya ang ex-girlfriend sa lahat ng mga proyektong gagawin nito at para sa kanya ay lagi niyang pahahalagahan ang pinagsamahan nila.

"I love Sofia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

''Whatever project she's gonna be doing in the future, todo suporta pa rin ako.

''During the last Vios Cup, when she crashed her car, I almost jumped out on my car, then ran to go to her.

''There's no bad blood between Sofia and I.

"Masasabi ko pa rin in a way, not in a romantic way, that I still love Sofia.

''May pinagsamahan kami na never na mabubura.

''Ilang taon kaming nagsama for Pusong Ligaw, she will always be a part of my life," diin niya.

Sa ngayon ay tuloy pa rin ang komunikasyon ng dalawa at kung dati ay walang kumpirmasyon kung may relasyon ba sila, ngayon ay inamin na ito ni Diego.

Pag-amin niya, "Of course, we still talk.

''That came out already. Yeah, naging kami, we never denied that."

STILL WILLING TO WORK WITH SOFIA

Bukas din si Diego kung saka-sakaling pagsamahin muli sila ni Sofia sa isang proyekto at muling pagtambalin.

Pakli niya, "You know, I was thinking in the shower, for some reason this morning, I was thinking about that in the shower.

''Yeah, of course, I'm willing to work with Sofia.

''Alam ko na ang ugali niya."

WORKING OUT

Hindi pahuhuli si Diego kung ang pag-uusapan ay ganda ng pangangatawan.

Ang nagsilbing challenge at inspirasyon pala kay Diego kung bakit nagpaganda ito ng katawan ay dahil sa tinanggap niyang pamba-bash mula sa isang netizen.

''There was a guy who called me bonakid.

''It was that comment talaga that really got to me and I love it.

"It's turning negativity to positivity.

''You shouldn't dwell on the bad things that people say.

''So when they say that stuff, turn it in a positive thing na lang,” pagmamalaki niya.

Tinanong din namin si Diego kung saan hanggang saan ang pagpapa-sexy na gagawin niya para sa Los Bastardos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, "I don't mind, but do we have to?

''If it's in the script, if it's necessary, fine."

INDECENT PROPOSALS

Katulad ng ibang mga artista ay nakakatanggap din pala ng mga indecent proposals si Diego, bagay na di niya pinagtutuunan ng pansin at ine-entertain.

Pag-amin niya, "Even before, mayroon na.

''Ask any artist. I'm sure they get those.

"I don't think it's flattering.

''Bagay ka ba? Nabibili ka ba? It's not nice."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN