Coco Martin remembers how Joey de Leon helped him as newbie

Coco Martin to Joey de Leon: "Sana isang araw mag kita po tayo ng personal para makapag pasalamat po ulit ako sa personal. Happy birthday po ulit Tito. Joey idolo po kita!!!"


Ipinaabot ng ABS-CBN actor na si Coco Martin sa pamamagitan ng Instagram ang kanyang pagtanaw ng utang loob sa Eat Bulaga! host na si Joey de Leon.

Noong Linggo, October 14, ay nag-post ng mensahe si Joey sa Instagram para sa kanyang ika-72 kaarawan.

Isa sa mga nagkomento at bumati sa kanya ay si Coco, na isa raw sa natulungan ng veteran comedian-TV host.

Pagbabalik-tanaw ng 38-year-old Ang Probinsyano star, “Hindi ko po alam kung natatandaan nyo po ako pero isa ako sa mga taong natulongan nyo nung nag uumpisa palang ako sa show ninyo sa chanel sa TV5 sa Teka Mona.”

Ang Teka Mona ay isang comedy skit show sa TV5 na umere mula 2006 hanggang 2007.

Dugtong ni Coco sa Instagram comment, “Maraming maraming salamat sa pagkakataon na nabigay po ninyo sakin non at hanggang ngayon po hindi ko pa nakakalimutan yon.”

Umaasa rin ang aktor na muli silang magkita para personal na makapagpasalamat kay Joey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana isang araw mag kita po tayo ng personal para makapag pasalamat po ulit ako sa personal. Happy birthday po ulit Tito. Joey idolo po kita!!!”

Sumagot naman dito si Joey at pinuri pa si Coco.

“Salamat! I’m proud of you! Stay humble!” ani Joey.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN